DAIG pa pala ang tumama sa lotto ng mga bata ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay na sina Gerardo “Gerry” Limlingan, sinabing finance offi-cer at umano’y ‘bagman’ at si Eduviges “Ebeng” Baloloy, kilalang long time personal secretary.
Kung pagbabatayan ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isinumite sa Court of Appeals, masyadong mahiwaga ang ‘asosayon’ nina Limlingan, Baloloy at Binay
Hindi sila magkakamag-anak pero mayroon silang joint bank accounts at individual accounts na naglalaman ng P810-million deposits mula 2007-2014, bukod pa ‘yan sa P1.629 bilyon sa investment management funds sa iba’t ibang banko.
Sina Limlingan at VP Binay ay may joint accounts din at ang iba pang dummies ng vice president ay may daan-daang milyones na deposito.
Tinukoy ng AMLC ang accounts nina Limlingan at Baloloy sa BDO Unibank, Rizal Commercial Banking Corp., Land Bank of the Philippines, Metrobank, Philippine Bank of Communications, Philippine Savings Bank at Security Bank.
Bilyones umano ang nakadeposito rito, ayon sa AMLC.
Hindi lang laksa-laksa kundi milyon-milyon kung magdeposito umano sa naturang accounts.
Noong Disyembre 22, 2009, may pumasok na P100 milyon sa BDO Unibank.
Enero 18, 2010 may pumasok muli na P50 milyon sa isa pang joint account nina Limlingan at Baloloy.
Noong Marso 3, 2010, pumasok naman ang P77 milyon sa account ni Baloloy sa BDO Unibank. Pebrero 23, 2010, pumasok ang P40 milyon sa joint account nina Baloloy at Limlingan.
What the fact?!
Nakalulula ang laki ng kuwartang idinedeposito ng kustabahan!
Magkano naman kaya ang ibinayad nila sa Rentas Internas?!
Hindi kaya katulad ni dating First Gentleman Mike Arroyo ‘yan na nagdeklarang siya ay jobless at nagbabayad lamang ng P15,000 sa Rentas Internas pero sandamakmak din ang kuwarta sa mga banko hanggang sa foreign banks sa labas ng bansa?!
Sonabagan!
Ano pang kinabukasan ng bansang ito kung lahat ng magsisiupo sa gobyerno ay napakadaling masilaw sa kuwarta kaya nagiging masipag sa pagnanakaw?!
Sana naman ay huwag nang magkamali sa pagboto ang ating mga kababayan.
Maawa po tayo sa ating bayan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com