Saturday , November 23 2024

Kamal-Kamal ang ibinulsa ng mga bata ni VP Jojo Binay (Nasaan na sila?)

00 Bulabugin jerry yap jsyDAIG pa pala ang tumama sa lotto ng mga bata ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay na sina Gerardo “Gerry” Limlingan, sinabing finance offi-cer at umano’y ‘bagman’ at si Eduviges “Ebeng” Baloloy, kilalang long time personal secretary.

Kung pagbabatayan ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isinumite sa Court of Appeals,  masyadong mahiwaga ang ‘asosayon’ nina Limlingan, Baloloy at Binay

Hindi sila magkakamag-anak pero mayroon silang joint bank accounts at individual accounts na naglalaman ng P810-million deposits mula 2007-2014, bukod pa ‘yan sa P1.629 bilyon sa investment management funds sa iba’t ibang banko.

Sina Limlingan at VP Binay ay may joint accounts din at ang iba pang dummies ng vice president ay may daan-daang milyones na deposito.

Tinukoy ng AMLC ang accounts nina Limlingan at Baloloy sa BDO Unibank, Rizal Commercial Banking Corp., Land Bank of the Philippines, Metrobank, Philippine Bank of Communications, Philippine Savings Bank at Security Bank.

Bilyones umano ang nakadeposito rito, ayon sa AMLC.

Hindi lang laksa-laksa kundi milyon-milyon kung magdeposito umano sa naturang accounts.

Noong Disyembre 22, 2009, may pumasok na P100 milyon sa BDO Unibank.

Enero 18, 2010 may pumasok muli na P50 milyon sa isa pang joint account nina Limlingan at Baloloy.

Noong Marso 3, 2010, pumasok naman ang  P77 milyon sa account ni Baloloy sa BDO Unibank. Pebrero 23, 2010, pumasok ang P40 milyon sa joint account nina Baloloy at Limlingan.

What the fact?!

Nakalulula ang laki ng kuwartang idinedeposito ng kustabahan!

Magkano naman kaya ang ibinayad nila sa Rentas Internas?!

Hindi kaya katulad ni dating First Gentleman Mike Arroyo ‘yan na nagdeklarang siya ay jobless at nagbabayad lamang ng P15,000 sa Rentas Internas pero sandamakmak din ang kuwarta sa mga banko hanggang sa foreign banks sa labas ng bansa?!

Sonabagan!

Ano pang kinabukasan ng bansang ito kung lahat ng magsisiupo sa gobyerno ay napakadaling  masilaw sa kuwarta kaya nagiging masipag sa pagnanakaw?!

Sana naman ay huwag nang magkamali sa pagboto ang ating mga kababayan.

Maawa po tayo sa ating bayan!

Fred Mison kinasuhan sa Ombudsman (Airport IOs nadamay pa!)

NAYANIG daw ang Bureau of Immigration – Office of the Commissioner (BI-OCOM) nitong nakaraang Linggo matapos mailathala sa isang kilalang broadsheet at malaman na sinampahan ng  sandamakmak na kaso  sa Ombudsman ang ilang opisyal at empleyado ng isang Intelligence officer mula sa kanilang hanay.

Ilan sa mga kasong ito ay graft and corruption, violation of Republic Act (RA) 6713 (The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), violation of the Administrative Code of 1987 and violation of Commonwealth Act 613 (Philippine Immigration Act of 1940).

Nag-ugat umano ito sa isang lifting order na pinirmahan ni Commissioner Siegfred Mison para sa isang Chinese national na kinilala sa pangalang Yuan Jian Chua alias Wilson Ong Cheng.

Matapos ipa-deport ang nasabing Chinese national nito lang January 22, 2015, muli raw dumating sa bansa nitong March 11, 2015 sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero madaliang ini-exclude dahil siya nga ay nasa blacklist order ng Bureau.

Pero makaraan lang daw ang isang oras, isang tawag/text mula sa commissioner’s office ang natanggap ng mga naka-duty sa NAIA T1 nang oras na iyon kaya ini-allow ang pagpasok ng blacklisted na tsekwa!

What the fact!? Anyare???

Sinasabing may isang verbal instruction kaya pinayagang makapasok ang blacklisted na foreign national.

Ang nakapagtataka bakit parang taeng-tae ang BI-OCOM na makapasok agad sa bansa si Yuan Jian Chua alias Wilson Ong Cheng?

Magkano ‘este Ano ang dahilan at kailangan i-recall agad-agad ang exclusion order ng BI-OCOM?

 Hindi kaya kliyente ito ng mga panyero na malakas umano ang impluwensiya sa Immigration na sina alias Atty. Inggo, Buhol-buhol at Luya?

Mukhang seryoso rin ang Intelligence Officer na labanan si Comm. Fred ‘border’ Mison  sa kasong isinampa sa kanya.

Kilala rin kasing maimpluwensiya ang pamilya ng nasabing Intel Officer at siguradong lalaban nang pitpitan ng yagbols kay BI Comm. Fred ‘valerie’ Mison!

At sa mga inosenteng Immigration Officers (IOs) na nadamay sa kaso na wala naman talagang kinalaman dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho at sumunod lang sila sa instruction ng boss nila, wala kayong dapat ikatakot, ang gagawin n’yo lang ay sabihin ang totoo at ituro ninyo kung sino ang nag-utos sa inyo para madali kayong maabsuwelto!

‘Yung mga kumita diyan ang dapat maparusahan at makulong!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *