Wednesday , November 20 2024

Fred Mison kinasuhan sa Ombudsman (Airport IOs nadamay pa!)

misonNAYANIG daw ang Bureau of Immigration – Office of the Commissioner (BI-OCOM) nitong nakaraang Linggo matapos mailathala sa isang kilalang broadsheet at malaman na sinampahan ng  sandamakmak na kaso  sa Ombudsman ang ilang opisyal at empleyado ng isang Intelligence officer mula sa kanilang hanay.

Ilan sa mga kasong ito ay graft and corruption, violation of Republic Act (RA) 6713 (The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), violation of the Administrative Code of 1987 and violation of Commonwealth Act 613 (Philippine Immigration Act of 1940).

Nag-ugat umano ito sa isang lifting order na pinirmahan ni Commissioner Siegfred Mison para sa isang Chinese national na kinilala sa pangalang Yuan Jian Chua alias Wilson Ong Cheng.

Matapos ipa-deport ang nasabing Chinese national nito lang January 22, 2015, muli raw dumating sa bansa nitong March 11, 2015 sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero madaliang ini-exclude dahil siya nga ay nasa blacklist order ng Bureau.

Pero makaraan lang daw ang isang oras, isang tawag/text mula sa commissioner’s office ang natanggap ng mga naka-duty sa NAIA T1 nang oras na iyon kaya ini-allow ang pagpasok ng blacklisted na tsekwa!

What the fact!? Anyare???

Sinasabing may isang verbal instruction kaya pinayagang makapasok ang blacklisted na foreign national.

Ang nakapagtataka bakit parang taeng-tae ang BI-OCOM na makapasok agad sa bansa si Yuan Jian Chua alias Wilson Ong Cheng?

Magkano ‘este Ano ang dahilan at kailangan i-recall agad-agad ang exclusion order ng BI-OCOM?

 Hindi kaya kliyente ito ng mga panyero na malakas umano ang impluwensiya sa Immigration na sina alias Atty. Inggo, Buhol-buhol at Luya?

Mukhang seryoso rin ang Intelligence Officer na labanan si Comm. Fred ‘border’ Mison  sa kasong isinampa sa kanya.

Kilala rin kasing maimpluwensiya ang pamilya ng nasabing Intel Officer at siguradong lalaban nang pitpitan ng yagbols kay BI Comm. Fred ‘valerie’ Mison!

At sa mga inosenteng Immigration Officers (IOs) na nadamay sa kaso na wala naman talagang kinalaman dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho at sumunod lang sila sa instruction ng boss nila, wala kayong dapat ikatakot, ang gagawin n’yo lang ay sabihin ang totoo at ituro ninyo kung sino ang nag-utos sa inyo para madali kayong maabsuwelto!

‘Yung mga kumita diyan ang dapat maparusahan at makulong!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *