Wednesday , December 25 2024

Pinag-aagawan si Sen. Grace Poe ng mga gustong maluklok sa puwesto

00 Bulabugin jerry yap jsyABA naman, selling like hot cakes ngayon si Senator Grace Poe.

Marami ang nagtutulak sa kanya na tumakbong presidente o bise presidente.

Masyado yatang mabango ngayon ang anak ni FPJ, kaya lahat ng politiko ay siya ang minimithing masungkit.

Pero iba ang naririnig na usap-usapan sa mga coffee shop.

Ano na raw ba ang nagawa ni Senator Grace?!

Mayroon na ba siyang landmark achievement para maging kuwalipikadong presidente o bise presidente?!

Ang kanyang popularidad ay sinabing hiram lamang niya mula sa popularidad ng ama at ina at posibleng naging dahilan kung bakit niya nakuha ang pinakamataas na boto sa Senado.

May utang pa si Senator Grace sa sambayanan dahil kailangan niyang patunayan na hindi nagkamali ang mga taong ipinagkatiwala ang sagradong  boto sa kanya.

Sa nalalapit na pagtatapos ng 16th Congress, ano ang nagawa ni Senator Grace?

Mayroon din ba siyang karanasan sa local government unit (LGU) para ipagkatiwala natin ang posisyon para maging Punong Ehekutibo ng bansa?!

Ilang urot din ang nagpapalutang na kuwestiyonable ang citizenship ni Senator Grace.

Huwag na tayong magpadalos-dalos sa pagpapasya dahil lamang sa popular na katangian ng isang politiko.

Kung likas na busilak ang paghahangad ni Senator Grace na makapaglingkod sa sambayanan, hindi siya maiinip at lalong hindi niya sasayangin ang pagkakataon para magpakita ng pruweba na siya ay karapat-dapat sa tiwala ng bayan.

Huwag na niyang isalang ang kanyang sarili para suriin pa ng mga urot kung kanino ang kanyang loyalty — sa kanyang ninong ba na si VP Jejomar Binay — o sa Liberal Party na partidong kanyang nilahukan sa unang eleksiyon na kanyang sinalangan at napagtagumpayan.

Habang maaga ay magdesisyon siya nang tama at ipakita na siya’y hindi tatahak sa landas ng mga tradisyonal na politiko o TRAPO.

Naghuhugas ba ng kamay si Mayor Rex Gatchalian sa pagdidiin sa may-ari ng Kentex?

MAYROONG dapat managot sa pagkamatay ng 72 manggagawa, empleyado at anak ng may-ari ng KENTEX Manufacturing, ang pabrika ng tsinelas na nasunog sa Valenzuela City.

Idinidiin ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang pananagutan sa may-ari ng nasabing pabrika.

Pero, ang may-ari lang nga ba ang dapat managot?!

Maraming dapat managot, at mismong si Mayor Rex Gatchalian ay mayroong command responsibility sa nasabing insidente.

Bilang punong ehekutibo ng Valenzuela City, hindi magandang agad ituro o idiin agad ni Mayor Rex Gatchalian ang may-ari ng pabrika.

Oo nga’t ang may-ari ang ‘principal’ na may pananagutan, pero hindi mangyayari ang malalang paglabag sa maraming aspekto ng paggawa at industriya kung hindi nagpabaya o nakipagkutsabahan ang mga opisyal na dapat magpatupad ng batas.

At gaano nakasisiguro si Mayor Rex Gatchalian na wala nang pabrika sa kanilang siyudad na mayroon din kagayang kaso sa Kentex?!

Nalibot na ba niya ang mga pabrika sa buong lungsod? O kung hindi man, maaasahan ba niya ang opisyal ng kanyang administrasyon na enkargado sa responsibilidad na ito?

Mas makabubuting huwag munang magsalita si Mayor Rex.

Paimbestigahan niya ang insidente at kung mapagugulong niya ang ‘ulo’ ng mga opisyal ng lungsod na dapat managot, tiyak na masa maraming bibilib sa kanya.

 Pero hangga’t turo nang turo lang siya ng kanyang hintuturo, walang maniniwala na seryoso siyang papanagutin ang mga tunay na dapat managot.

Huwag ituro sa iba ang pananagutan

MAY statement ung abogado ng nasunog n kumpanya kahapon s QRTv ng GMA 11 ang sabi ng abogado magbibigay sila ng tulong s pamilya ng mga biktima ng trahedya sasagutin nila ang libing at kung anu p pati n ang DNA test n 15,000 n swab test at ito n ung nakakainis s statement sn dw pamahalaan n ang sumagot s DNA test s mga namatay n nagkakahalaga ng 100,000 plus bawat isa upang maibigay nila n lang ang nasabing halaga s mga biktima . Aba Attorney Paraiso kliyente mo ang dapat gumastos ng lahat dahil kakulangan nila ang hindi paglalagay ng safety precautions s company nila. Matagal n nilang negosyo ‘yan at malaki ang kanilang kinikita at bakit kailangan s pamahalaan mo ipapasagot ung DNA n ang halaga eh 100,000 plus una ngayon palang alam n maraming violations ang kliyente mo at sigurado hindi sila nagbabayad ng tamang tax. Hindi pananagutan ng pamahalaan ang DNA test s trahedyang to lalo at ito ay nangyari s malalang kapabayaan ninyo kaya dapat lahat ay sagutin ninyo.

– Leoj Opulad

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *