Friday , November 15 2024

Sana naging tatay ko si VP Jejomar Binay

00 Bulabugin jerry yap jsyISA ako sa mga nagulat sa report ng Anti-Money laundering Council (AMLC) ukol sa tinatayang P16 bilyones na yaman ng mga Binay at ng kanilang mga dummies mula noong 2008.

Talaga namang parang gusto nating mag-wish na “sana tatay ko si Binay.”

Mantakin ninyong ang isang masugid na kritiko ng binansagang diktador na si Ferdinand Marcos at nangampanya para patalsikin sa puwesto ang dating presidente ‘e nagpayaman sa loob ng 29 taon sa pamamagitan nang hindi matibag-tibag na poder sa Makati City?!     

Dahil sa ulat ng AMLC, inilabas na ng Court of Appeals (CA) ang freeze order laban sa 242 bank accounts, kasama na ang investments ng mga Binay at kanilang mga dummy.

Sa ulat ng AMLC, malaki umano ang kinita ng grupo ni Binay sa ilegal na paraan.

Kabilang sa freeze order ang mga bank account nina Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., Dr. Elenita Binay at ang pinaniniwalaang dummies na sina Gerardo Limlingan, Eduviges Baloloy, Antonio Tiu, Lily Hernandez Crystal, Carmelita Palo Galvan, Francisco Balaguer Baloloy, Bernadette Cezar Portollano, Mitzi Sedillo, Margeurite Lichnock, Melissa Gay Castañeda Limlingan, Victor Limlingan, James Lee Tiu, Pee Feng Lee, Ann Lorraine Buencamino Tiu, Frederick Dueñas Baloloy, Mario Alejo Oreta, Jose Orillaza, Daniel Subido, Man Bun Chong, Joy Mercado at ang kompanyang Omni General Services Inc.

Sa laki ng yaman na ‘yan ng mga Binay, kahit sino siguro ‘gugustuhin’ siyang maging tatay.

Hik hik hik…

Kidding aside, seryoso na itong kinakaharap na kaso ng mga Binay lalo na ngayong nakialam na ang AMLC at mismong ang Ombudsman ay kombinsido.

Ano kaya ang masasabi ni VP Binay?! Anong say ng mga spokesperson niya ngayon?

Politika pa rin ba ang dahilan kung bakit nanghimasok na ang AMLC?!

Mga suki, palagay natin ay opisyal nang nagsisimula ang election fever sa bansa.

Libre na naman ang pulutang mainit na USA… mainit na ‘usap-usapan’ sa mga nangyayari bago ang eleksiyon sa 2016.

Huwang tayong pagogoyo, mga suki!

Reporma sa PNP-ASG isinulong ni Gen. Pablo Francisco Balagtas

ISANG makabuluhang reporma ang isinusulong ngayon ng bagong hepe ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG) na si C/Supt. Pablo Francisco “Boyet” Balagtas sa kanilang hanay.

Kaya naman kung napapansin ninyo, wala nang makikitang mga unipormadong PNP na naroroon sa airport at may karay-karay na Japanese, Koreano o iba pang  dayuhan na binibigyan ng escort service.

Pati na rin sa mga local VIP o politician.

Mahigpit na ipinagbawal ni Gen. Boyet Balagtas ang paghawak ng passport o pagbuhat ng bagahe ng mga pasahero ng isang pulis-ASG.

At para maiwasan ang ganitong nakasa-nayan ng ilang kagawad ng PNP-ASG, nagtalaga si Gen. Boyet Balagtas ng tatlong “OFFICIAL PROTOCOL” mula sa kanyang tanggapan. 

‘Yung mga “OFFICIAL PROTOCOL” ng PNP-ASG ang siyang mamahala sa kanilang mga official request kung kinakailangan.

Sa pamamagitan nga naman niyan, matutuldukan na ‘yung matagal nang isyu na ‘moonlighting’ at ‘escort service’ sa hanay ng PNP-ASG.

General Boyet Balagtas, isang magandang legacy ‘yan sa PNP-ASG.

Mga ganyang opisyal sa PNP ang kailangan ng bansa natin ngayon.

Innovative, may malawak na foresight, disciplinarian pero may puso at higit sa lahat alam kung ano ang kanyang ginagawa.

‘Yan si Gen. Boyet Balagtas!

Galit sa mga pinoy na hindi nag-iisip

BUKOD-TANGING ang bansang ito ang masasabing bansa ng kapahamakan dahil puro pahamak at mga traidor na Pilipino na talaga ang mga sumibol dito. Patay-gutom na nga salat pa sa tamang pag-iisip, nag-uumapaw lng ang bayang ito sa mga kawalanghiyaan at pang matagalan pa kung magpauto sa mga animal na lider. Salamat po katropa Donald ng Tondo. #+63919665 – – – –

Solvent boys, holdaper talamak sa city hall

MAGANDANG umaga po si Jerry Yap, gusto ko lang po ipaabot sa inyo diyan sa tapat mismo ng city hall ng Maynila na daming solvent boys at holdaper, wala naman ginagawa ang Mayor Erap. Sana po maipararating ninyo ky Erap 2 salamat po. #+630921736 – – – –

Solvent boys sa Quirino LRT mapanganib

MAGANDANG umaga po sir Jerry Yap, dito po sa Quirino LRT ang dami nktambay n solvent boy tapos pagsabog nang-aagaw ng celpon at bag #+63921736 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *