ISANG makabuluhang reporma ang isinusulong ngayon ng bagong hepe ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG) na si C/Supt. Pablo Francisco “Boyet” Balagtas sa kanilang hanay.
Kaya naman kung napapansin ninyo, wala nang makikitang mga unipormadong PNP na naroroon sa airport at may karay-karay na Japanese, Koreano o iba pang dayuhan na binibigyan ng escort service.
Pati na rin sa mga local VIP o politician.
Mahigpit na ipinagbawal ni Gen. Boyet Balagtas ang paghawak ng passport o pagbuhat ng bagahe ng mga pasahero ng isang pulis-ASG.
At para maiwasan ang ganitong nakasa-nayan ng ilang kagawad ng PNP-ASG, nagtalaga si Gen. Boyet Balagtas ng tatlong “OFFICIAL PROTOCOL” mula sa kanyang tanggapan.
‘Yung mga “OFFICIAL PROTOCOL” ng PNP-ASG ang siyang mamahala sa kanilang mga official request kung kinakailangan.
Sa pamamagitan nga naman niyan, matutuldukan na ‘yung matagal nang isyu na ‘moonlighting’ at ‘escort service’ sa hanay ng PNP-ASG.
General Boyet Balagtas, isang magandang legacy ‘yan sa PNP-ASG.
Mga ganyang opisyal sa PNP ang kailangan ng bansa natin ngayon.
Innovative, may malawak na foresight, disciplinarian pero may puso at higit sa lahat alam kung ano ang kanyang ginagawa.
‘Yan si Gen. Boyet Balagtas!