Friday , November 15 2024

Hindi pa pagod sa katatakbo si Leon Guerrero

00 Bulabugin jerry yap jsySA LOOB ng 12 taon panunungkulan sa Senado, aba ‘e nalulungkot pa raw si Senator Lito Lapid a.k.a. Leon Guerrero dahil hindi pala siya ‘fit’ sa pagiging Senador dahil wala siyang college education.

 Ang tagal naman ng realisasyon mo, Leon Guerrero.

Pero ito ang classic na hirit…kaya ipapasa na lang daw niya sa anak niyang si Mark Lapid ang pagiging senador.

What the fact!?

Ang lakas pala ng sense of humor mo Leon Guerero! Napatawa mo ako nang malakas doon, ha!

Mantakin mong sa loob ng 12 taon ‘e ikaw pa ang nalungkot?!

‘E kaming mga botante dapat ang magsabi niyan, hindi ikaw.

Ang dami mo nga raw nabutas na silya sa Senado. Ang dami mong naubos na pondo at higit sa lahat maraming nabingi sa sobrang katahimikan mo.

Tapos ngayon mo lang na-realize na hindi ka karapat-dapat sa posisyon na ‘yan?!

Sonabagan!

‘E mukhang luging-lugi ang taong bayan sa iyo Mr. Senator!?

Ngayon naman ay balak mo pang tumakbong Mayor sa Angeles City, dahil tinitiyak mo ngayon na kayang-kaya mong maging mayor?!

Sa pelikula siguro, puwede, maniniwala akong kaya mo. Pero sa totoong buhay?! I doubt, again and again, Mr. Leon Guerrero.

‘Yun kasi ang problema ninyong mga artista na nag-aambisyong maging politiko, akala ninyo papel lang sa pelikula ang pagsungkit ng puwesto sa gobyerno.

Natural na makahahamig ka ng popular votes, ta-artits ka nga ‘e.

At ‘yun naman sana ang ikonsidera ng mga kagaya ninyo Mr. Leon Guerrero. Kung alam n’yo naman na wala kayong  kakayahan, huwag ninyo ambisyonin ang posisyon… maawa naman kayo sa constituents.

Mapagod ka naman sa serbisyo publiko ‘kuno’ mo… Hindi naman kabayo ang mga botante para pasanin ka pagkatapos ‘e ikaw lang ang nagkakamal!?

Ikaw din, baka unang mapagod ang kabayo mo iwanan kang mag-isa at magmukha kang kawawang koboy.

Aru!

Jolo Revilla mukhang makakasuhan pa (Sa ‘accident firing’ or suicide?)

‘Yan pa yata ang masaklap na kapalaran ngayon ng anak ng naka-hoyong Senador Bong Revilla na si Jolo.

Mukhang masusing pinag-aaralan ngayon ng Department of Justice (DOJ) kung paano sasampahan ng kaso si Jolo dahil ginamit niya ang service firearm na inisyu ng gobyerno sa ‘indiscriminate firing.’

Ito po ‘yung panahon na napabalitang nag-suicide ang Vice Governor ng Cavite na si Jolo pero pagkaraan ay sinabing ‘accidental firing’ umano.

Kamakalawa kasi, kinasuhan ng Muntinlupa police ang tatlong (3) doktor ni Jolo at apat (4) security guards ng Asian Hospital dahil hindi nila iniulat sa pulisya ang insidente.

Kinasuhan din ng pulisya ng administrative charges ang tatlong attending physicians ni Revilla sa Asian Hospital.

‘Yan ay dahil tumanggi ang mga doktor na magbigay ng impormasyon kaugnay sa kondisyon ni Jolo.

Nalagay sa panganib ang buhay ni Jolo dahil sa nasabing insidente, at ngayon naman ‘e mukhang sasampahan pa siya ng kaso.

Tsk tsk tsk… kapag inaabot nga naman ng alat…

Vices sa Maynila, mabawasan pa kaya?

Makaraang balasahin ng PNP Camp Crame ang hanay ng Manila Police Dapartment (MPD) na ikinasibak ng lima sa 11 station commanders sa Maynila dahil sa kakulangan umano ng accomplishment laban sa illegal na droga.

Pero ang tanong ng mga taga-Maynila at MPD police, masasawata na kaya ang talamak na  illegal gambling sa siyudad!?

Nagkalat pa rin sa lahat ng sulok ng Maynila ang mga ilegal na bookies ng karera, lotteng, STL cum weteng ng mga sikat na gambling lord gaya nina PACIA, EDNA, ENTENG-1602, PULIS BAGMAN TATA FAKNOY FRESNEDI, JOE TONTON MARANAN at mga KABO na sina OBETLOG IGNACIO, at LOLOY.

Idagdag pa riyan ang mga SUGAL LUPA OPERATORS na parang kabute na nagsulputan sa Maynila.

Mga mesa ng color-game cum pergalan lalo na sa Tondo.

Hindi kaya ‘bagong timbre sa bagong-hepe’ ang mangyari sa mga bagong station commanders?

Nagtataka lang tayo rito sa pamunuan ng MPD, kung bakit parang bulag, pipi at bingi sa mga illegal vices sa Maynila!?

MPD DD Gen. Rolly Nana, paganahin mo ang intelihensiya ‘este intel mo sa mga 1602 sa A.O.R. mo!

‘Yun na!

Bastos at sigang security guard sa Wawawie Merchandise

GOOD morning Sir txt ko lng ang SG Nato, SG Burgos naka-duty d’yan sa Wawawie Merchandise sa Abra St., Project 7 QC cor Congressional, Muñoz, bastos at siga ang SG Na2 JCC Scty Agcy PNP Sosia nakalisensiya ang SG Na2, puntahan na lng at turuan ng GMRC. TY Sir.

# +63947508 – – – –

RC Cola, San Luis Antipolo City iniisnab ang simbahan?

GOOD day po, sumbong lng po nmn i2ng RC Cola ng Puting Bato San Luis, Antipolo City n mahirap hingan ng 2long kung 2ungkol sa cmbhan po #+63907598 – – – –

Ayaw maupakan si Erap

SIR sabihan mo ‘yng tontong Percy Lapid sa kanyang kolum tpos na ang kaso ni Erap huwag naman laitin ang kanyang pagkatao, palagi lng araw-araw nilalait si Pang. Erap pag nagpunta ‘yan dito sa Bacolod patayin ko ‘yan. – Concern ng Bacolod #+63932240 – – – –

Human trafficking ng indian nat’l?

GOOD day Sir Jerry Yap, nabasa ko column tungkol sa harassment sa iyo. Report ko lang sa taga-immigration tungkol sa human smuggling na nagpapatakbo ay Indian name Sukhpal Singh Braich aka Paul katabi lng immigration ang office press club.  Siyanga pala hindi ba pagkuha ng blacklist at hold depature order may reqpuirtment ang immigration tulad ng NBI clearance at affidavit na may notary, bkit kay Paul pag gumawa ng isang clearance ay hindi humingi ang taga-immigration sa kanya magbayad 3000 tpos sa loob lng isang oras, dapat manmanan nyo ang bumbay na ito everyday nasa immigration para kumita ng pera kahit mali ang visa sana ipa-raid nyo ang office dahil dami mga fake bisa passport hawak. #+63932485 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *