Wednesday , November 20 2024

Palarin kaya si Konsi Jeremy Marquez sa ambisyong maging Parañaque vice mayor?

jeremy marquezBALI-BALITA na tatakbong Vice Mayor ang kasalukuyang Parañaque ABC President na si Jeremy Marquez, ang anak ng kontrobersiyal na actor at dating mayor na si Joey Marquez.

Mukhang idol talaga ni Jeremy ang kanyang tatay na si Joey dahil lahat ng larangan na pinasok nito ay kanya rin sinusundan.

Sinubukan din mag-artista ni Jeremy pero ang naimarka lang sa pag-aartista ay pambababae pero hindi siya umubra sa huling aktres na na-link sa kanya kaya siguro nag-goodbye sa showbiz at pumasok naman sa politika.

Pero ano itong nabalitaan natin,na umaangal din ang mga constituents dahil wala raw significant achievement si Jeremy sa kanyang panunungkulan at gaya nang dati, hindi pa rin siya hinihiwalayan ng kontrobersiyal na tatak ng mga Marquez — ang pagiging lover boy?

‘Yun  lang yata ang alam nating pinag-uusapan tungkol sa kanya.

Sabi nga like father, like son…

Kaya ngayong ibinabando ng kanyang kampo na siya ay tatakbong vice mayor sa Parañaque marami ang nagdududa kung kanyang kakayanin.

Dadalhin naman kaya siya ni Mayor Edwin Olivarez?!

Mangyayari lang siguro ‘yan kapag bumitiw ang mga Golez kay Olivarez.

‘E paano kung hindi?     

Hindi naman kaya maging mabigat na bagahe si Jeremy kay Olivarez?

Bukod d’yan, hindi pa rin nawawala sa imahe niya ang tatak ng kanyang tatay…

Paano na!?

Mukhang hindi siya kasing-popular ng kanyang  step  brother  na  si Vandolph na angat sa survey at paboritong-paboritong maging Konsehal sa area ng Tambo.

Lalo na ngayong tapos na ang term ng kanyang ‘tita’ Ness bilang konsehal.

Malamang, si Vandolph ang magmana ng popularismo ng kanyang ermat.

Paano na ngayon si Jeremy?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *