ni Dominic Rea
KINAGIGILIWAN na talaga nating mga Pinoy ang bagong programming ng ABS-CBN tuwing Sabado at Linggo ng gabi lalo na ang pagpasok ng Your Face Sounds Familiar na nag-originate sa Argentina.
Humahataw sa ratings ang weekend show ng network na trending ito sa social media.
In fairness. napakagagaling ng make-up artists ng show. Bibilib ka rin sa celebrities involved like Tutti, Jay R, Nyoy, Edgar Allan, Melai, Maxene, Jolina, at ang Queen Mother na si Karla Estrada.
Every week ay iba’t ibang local and foreign artists ang kanilang ginagaya and magic ang bawat resulta ayon na rin sa judging ng tatlong mabibigat na sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta, at Jed Madela.
Ilang linggo na lang yata ay malalaman na rin natin ang Top 4 at kung sino-sino ‘yun, ‘yan ang ating aabangan.