Tuesday , November 19 2024

Taklesang Thai national kailangan pa bang iposas?

050815 Thai

MUKHANG nag-overacting naman ang Bureau of Immigration (BI) sa paglalagay ng posas sa taklesang Thai national na si Prasertsri Kosin alyas Koko Narak sa social media.

Si Kosin ay empleyado ng isang call center company sa bansa. Pinagpiyestahan siya sa social media nang mag-post ng mga panlalait sa mga Filipino.

Tawagin ba namang “pignoys,” “stupid creatures,” “low-class slum slaves” at “useless race in this world” ang mga mamamayan ng bansa kung saan siya nagtatrabaho at pansamantalang naninirahan.

‘E talagang magagalit nga sa kanya ang mga Pinoy.

Heto ngayon, dahil nilabag niya ang batas na itinatakda sa ilalim ng Immigration Act, normal na kailangan siyang papanagutin sa panlalait na ginawa niya sa mga Pinoy.

At isa na nga riyan ang pagpapatapon sa kanya pabalik sa kanyang pinanggalingan. Ang pagpapatapon ay magaganap matapos siyang maideklara ng Immigration Board of Inquiry na isa siyang undesirable alien. Kasunod niyan, ilalagay siya sa talaan ng Blacklist Order.

Sa mga pinakahuling development, mukhang hindi naiintindihan ni Koko Narak ang mga panlalait na ginawa niya sa social media.

Kaya nang ma-realize niya, agad siyang naghain ng voluntary deportation kasunod nito naglabas na rin ng deportation charge ang BI.

Pero ang OA nga rito, as in overacting, ipinosas pa si Koko Narak. Bakit kailangan pa siyang iposas!? Notorious criminal o terorista ba siya? Hindi naman ‘di ba?!

Hindi ba naisip ng kung sinong nagpaposas kay Koko Narak na marami tayong kababayan sa Thailand na nagtatrabaho o nagbabakasyon doon?!

Tiyak na mkikita nila ang ginawang pagposas kay Narak at s’yempre, magkakaroon ng reaksiyon d’yan ang kanyang mga kababayan.

Humingi rin naman ng sorry si Koko Narak sa mga Filipino sa isang sulat na inilabas sa Facebook page ng ASEAN Community.

Sabi ni Immigration spokesperson Madam Elaine Tan, SOP raw ‘yung pagposas kay Koko Narak.

Gusto tuloy nating itanong, ‘yung Macau resident ba na si Wok Iek Man na hinihilang drug trafficker na nabistong lifted na pala sa Blacklist Order kahit tatlong buwan pa lang ang nakararaan ay pinosasan ba nila nang ganyan noong i-deport nila!?

Hindi ba’t napakaangas at napakayabang pang ipinakita ang kanyang lifting order kahit noong Enero 14, 2015 pa lang siya inilalagay sa Blacklist?

‘E bakit may lifting order na siya na inilabas nitong Abril 24, 2015 na pirmado pa ni Immigration Commissioner Fred ‘valerie’ Mison?!

Bakit hindi ‘yang kaso ni Wok Iek Man ang ginawaan mo ng press release Madam Elaine?!

Bakit d’yan ka gigil na gigil kay Koko Narak?!

Pakisagot na nga Madam Elaine Tan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *