Saturday , November 23 2024

Showbiz senate na naman ba sa 17th Congress?!

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA naman tayong masamang tinapay sa mga artists sa entertainment industry na gustong maging mambabatas.

Pero sana klaro rin sa kanila ang kanilang layunin at magiging tungkulin at obligasyon sa hinaharap kapag naluklok na sila sa puwesto.

Masyado na kasing nakadadala ang karamihan sa kanila.

Sa mga karanasan kasi natin sa mga nakaraang

Kongreso na halos nagkasabay-sabay ang showbiz personalities na naluklok sa Senado, hindi rin naging maganda ang resulta ng kanilang performance.

Mayroong naging incognito bilang Kagalang-galang na Senador na akala mo’y laging nangangabayo sa kanyang asyenda pero ang tunay pala niyang pagkatao ay ‘e ‘chairman’ ng ‘silence committee.’

Halos mapuno rin ng mga showbiz personality ang ‘pork barrel’ committee na ngayon ay pare-parehong nasa ‘komite de hoyo’ na.

S’yempre meron pang ibang kumi-kumita este komi-komite na talaga namang ang laging inihe-hearing ay ‘pork barrel’ para kuno sa kanilang constituents.

Mabuti na lang nga at mga nahoyo na.

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit nagpapalit ngayon ng kanilang mga ‘peon’ sa Senado ang mga ‘patron’ at ang mga ‘hari.’

Itong pagpapalit ng peon sa Senado ay nangyayari kapag malapit nang mapatid ang huling hibla ng lubid na kanilang kinakapitan.

Kaya agad na silang nagpapadala ng mga ‘reserbang kabayo’ na babatak sa kanila kapag malapit nang bumigay ang kinakapitan nilang lubid.

Kapag nangyari po ‘yan, tayo na namang mga taxpayer ang kawawa.

Kaya pakiusap lang sa inyo mga suki, huwag na po tayong maging ‘BOBOTANTE.’

Ipagtanggol po natin ang nag-iisa at sagrado nating boto!             

Dahil kung hindi, wala na pong mararating ang ating bansa.

Ibasura ang mga trapo!                

Agrabyado at desmayado pa rin ang mga obrero

UNA, gusto po nating batiin ang mga manggagawa at iba pang sektor na ginugunita ang kahalagan ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa araw na ito.

Isang makabuluhang pagbati po!

Alam nating hindi kayo masaya sa nangyayari ngayon dahil wala tayong nakikitang hakbang mula sa pamahalaan para pagaanin man lang kahit konti ang pasanin ng mga pangkaraniwang manggagawa sa ating bansa.

Walang pronouncement si Pangulong Noynoy kung ano ang regalo niya sa mga manggagawa.

Siguro dapat nang masanay ang mga manggagawa. Hindi kayo prioridad ng administrasyon ni Noynoy kahit malaking puwersa kayo na nagpapasan at nagpapaikot ng “industrial wheel” sa ating bansa.

Kaya nga hindi natin maintindihan kung bakit naglalaan ng bilyon-bilyong pondo sa tinatawag nilang 4Ps para kuno sa indigents pero hindi man lang mabigyan ng umento ang mga obrero?

Totoo bang kayang paunlarin ni PNoy ang ekonomiya ng bansa?!

‘E bakit nagdiriwang siya kapag iniuulat na nadagdagan na naman ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs)?!

Tsk tsk tsk…

Sa totoo lang, ang natutuwa lang sa mga sinasabi ni Noynoy ay ang SM, Puregolds at Robinsons  dahil  sila  ang  mga  numero unong padrino ng implementasyon ng contractualization.

Malaki ang natitipid nila sa pagbibigay ng benepisyo sa kanilang mga empleyado dahil mga contractual nga.

Pagkatapos ng kontrata, maibibilang na ang nasabing mga manggawa sa ‘ENDO’ workers.

At ‘yan ang malaking kalungkutan sa ating bansa.

Hindi na maitaas ang sahod, hindi pa mabigyan ng “security of tenure” ang mga manggagawa at iba pang empleyado.

 Kailan kaya maiintindihan ng mga nasa gobyerno na ang ating mga manggagawa ang mag-aangat ng ating kabuhayan lalo na kung maayos at naaayon sa itinatakda ng isang maayos na lipunan ang trato sa kanila ng pamahalaan?!

Nakalulungkot isipin na parang wala tayong nakikitang ganyan sa kasalukuyang administrasyon.

Mayroon din kayang himala para sa mga manggagawa?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *