Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel at Luis, last quarter of this year ikakasal

ni Alex Datu

020215 angel locsin luis manzano
UNFAIR naman kay Angel Locsin ang tsikang kaya pakakasalan siya ni Luis Manzano ay dahil kailangan ng huli ang kaagapay sa pagpasok sa politika.

Kaya nga, para mapadali ang kasagutan ay agad kaming nag-text kay Madam Suzette Arandela at base sa tarot cards nito, ”Love niya si Angel at talagang gusto nitong pakasalan hindi dahil papasok siya sa politics,” pahayag nito.

Medyo nahimasmasan kami kahit sabihin hula lang ito ni madam Suzette dahil madalas naman nagkakatotoo ang kanyang hula tulad ng lihim na pag-propose ni Direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga pati ‘yung pagbubuntis ni Cristine Reyes at marami pang iba.

Speaking of marriage proposal, hinulaan ni Madam Suzette na magpo-prose rin si Luis kay Angel and take note, sa taong ito at taong ito rin magaganap ang kasalan. ”Yes, mag-propose this year. Pero ang kasal either last quarter this year or early part of 2016.”

Naisip tuloy namin na malaki ang posibilidad na pasukin ni Luis ang politika dahil nasabi nito noon na magpapakasal muna sila ni Angel bago siya pumasok sa politika.

Sa isang interbyu sa aktor, inamin nito na sobrang naging mahalaga si Angel sa kanyang buhay.  ”She’s a blessing and I want to spend the rest of my life with her and we are engaged. We are engaged!” pag-amin nito.

Pagdating naman sa pagpapakasal ng dalawa, ”Kahit hindi ko pa napaplano ng maayos, I already have something in mind naman. Kumbaga, may nakikita naman ako kung paano, kung kailan at kung kahit anong mangyayari, kami pa rin ang para sa isa’t isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …