Tuesday , November 5 2024

Binay vs Roxas kay PNoy

HINDI pa rin daw nakasisiguro si Mar Roxas na ang mamanukin ni Pangulong Noynoy Aquino sa papalapit nang 2016 presidential election.

Ito ang katotohanang hindi mapapasubalian sa Malakanyang dahil pareho raw matimbang sa puso ni PNoy sina Roxas at VP Jojo Binay.

Isa pa raw sa biggest factor ng pagdedesis-yon ni PNoy sa 2016 ay ang kakayahan niyang manalo sa election at hindi lang basta malapit lang niyang kaibigan at kapartido.

Alam ng madla na magmula noong martial law pa ay kaibigan at diehard na sa mga Aquino si Binay kaya naman kapansin-pansin na hindi ito binabanatan ni PNoy gayon din ang kanyang mga alipores.

Maging si Binay at kampon niya ay hindi man lamang kinanti si PNoy kaya’t anything ay possible kumbaga sa dara-ting na 2016.

Kilala ang mga Aquino sa ganitong estilo dahil kung babalikan natin ang kasaysayan ay malapit si dating speaker Ramon Mitra kay Tita Cory pero sa halip na ang anak ng Palawan ang kanyang ipambato noong 1992 presidential election ay si Fidel Ramos ang kanyang inendoso.

Maging ang mga kapanalig ni PNoy sa pagpapatakbo ng gobyerno sa kasalukuyan ay hati sa LP at grupo Noybi o Binay group kaya naman halos paarehas lang ang pagtingin nito sa Palasyo.

Kilalang supporter ni Binay sina Press Sec. Herminio Coloma, Finance Sec. Cezar Purisima, na napabalitang mag-re-resign na sa gabinete ni PNoy upuang tutukan ang kampanya ni Binay at ang kanan kamay mismo ng Pangulo na si Exe-cutive Secretary Jojo Ochoa.

Sa madaling salita, matindi ang kamutan ngayon sa endorsement ni PNoy at iyan ang dapat nating abangan dahil alam naman ng lahat na iba ang nagagawa ng endorso ng isang nakaupong pangulo dahil kanya ang buong makinarya ng gobyerno.

Kaabang-abang din ito dahil kung sakaling si Binay ang bitibitin ni PNoy sa 2016 ay maiiba ang itatakbo ng pulitika sa bansa dahil posibleng ang LP na administrasyon ngayon ay biglang maging oposisyon o sumanib sa oposisyon.

Maging ang mga nangangarap na maging pangulo na sina Allan Cayetano, Antonio Trillanes, Manny Villar, Bongbong Marcos, Erap Estrada, Grace Poe at Chiz Escudero ay tiyak na mag-iiba ang katatayuan dahil 360 degrees ang mababago sa pulitika ng bansa.

Tiyak na hindi ito ngayon magaganap pero tiyak na may magbabago dahil mas malapit ang mga Aquino kay Binay kaysa kay Roxas.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *