Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja nakikipagtawanan na kay Kim

ni Pilar Mateo

Anong reaction niya sa muling pagsasama nina Gerald at Kim (Chiu) sa isang coffee commercial? At kumusta na ang palagayan nila ni Kim?

“Alam ko ‘yun. Happy nga ako dahil alam kong ang fans nila ang napasaya nila. Sa rami ng fans nila, alam mong malaki ang utang na loob nila sa mga ito. So, happy ako. Sa mga basher na hindi masaya eh, pray na lang tayo.

“Kami ni Kim, lagi lang tawanan sa ‘ASAP’. Lagi kami magkasama sa sayaw. No, wala na kinikimkim. Kung maibabalik sa rati lahat, in time…ayoko rin namang pilit. Basta sa ngayon, we’re okay.”

Ano ba ang pinaniniwalaan niya sa puntong ito na hindi lang siya isang aktres sa TV at sa pelikula kundi singer na rin at performer, may album, may endorsements, may masayang buhay na afford na makapagregalo ng SUV sa kanyang ina!

“I believe na magtatagal ako sa showbiz. Na ang mga pangarap ko eh, matutupad…na tahimik lang kami ni Gerald…just believe sa lahat ng bagay na alam ko kaya ko now basta positive lang sa buhay…believe basta dahan-dahan lang…”

NO WEDDING, BUSINESS MUNA

Wedding?

“Hindi pa time to believe. Hindi namin napapag-usapan. Marami pa akong pangarap. Gusto ko talaga magka-business. At sa pagdating ng Robinsons Communities na kumuha sa akin to endorse them baka pasukin ko ang build and sell o magtayo ng apartments, para rin sa Mama ko.”

Isang malaking blessing daw sa buhay niya si Gerald. Dahil anuman ang gawin niya eh, laging nakasuporta ito.

Tinanong namin si Maja kung ang kanta bang Buong Gabi na nasa album din niya na siya ang nag-compose eh, si Gerald ang inspirasyon?

“Upbeat siya na song. And tungkol ito sa party-party. Hindi gaanong love song. Theme song namin? Secret!”

DARING AND TRUE SA CONCERT

Sabi ni Maja babanatan niya ang mga kanta ni Jaya in a medley. Hihirit din siya ng mga favorite niya from Christina Aguilera, Beyonce at iba pa. But as of now, nasa planning stage pa raw lahat at depende sa approval ni direk Johnny Manahan and musical director Marvin Querido.

Pero ngayon pa lang, abot-tenga na ang ngiti ng producers ng shows sa mga sponsors like Robinsons Communities, Ivana, Jet 7 Bistro, Khaleb Shawarma, Ombu Restaurant, 10 Inch Lights & Sounds, Chalk Magazine, MYX, ASAP 19, Ivory Records, Petit Monde, Gold’s Gym, Sound Check Manila, Push.com and Star Studio Magazine.

Ano ang mga pasabog ni Maja na ngayon pa lang eh, confident na na after ng Music Museum niya eh, sasabak na sa Araneta. Sa Music Museum, she will be joined by Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil and Piolo Pascual with the Hotlegs and CT Guyz.

Inaabangan na rin kung gaano ka-daring si Maja sa magiging outfits niya sa kabuuan ng concert dahil she promised to be daring and true to the title of the concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …