ni Peter Ledesma
Magmula kay Rico Blanco hanggang ngayon na na-link siya sa bagong leading man ni Bea Alonzo sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” na si Paulo Avelino. Ayaw talagang tantanan si KC Concepcion ng mga taong mapag-imbento ng balita at ngayon inaakusahan naman ang singer-actress na anak niya ang baby sister na si Mariel? Nine years, na mula nang ipanganak ni Sharon Cuneta si Mariel o Miel at sa Setyembre ay sampung tao na siya. Saka ipinakita naman nang paulit-ulit na nagbuntis si mega noong 2006 at ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ay si Miel. So paano naging anak ni KC ang bata? Mabuti na lang at hindi mahilig magpapatol ang mega-daughter sa mga imbentor na kung tutuusin ay puwedeng-pwede siyang magsampa ng kasong libel dahil sa paninirang puri sa kanya. Ewan ko lang kay Shawie kasi wala pa siyang reaction sa bagong isyu sa anak. Nasa Las Vegas kasi ngayon ang mega star para sa series of shows sa nabanggit na bansa. Pagbalik niya, ewan lang natin kung papatolan niya ang nasabing ka-cheap na intriga sa daughter na si KC. Mga Nanette Inventor gyud!BEA ALONZO PAGTUTULUNGANG PABAGSAKIN NINA DINA AT MARICAR SA “SANA BUKAS PA ANG KAHAPON” PALABAS NA MAMAYANG GABI
Mabait, matalino, tagapagmana pero kulang sa ganda ‘yan ang papel na ginagampanan ni Bea Alonzo bilang si Rose Buenavista sa most awaited teleserye this year ng Dreamscape Entertainment Television na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” na eere na starting tonight sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Dahil si Rose ang paborito ng kanyang daddy na si Henry Buenavista (Chinggoy Alonzo) na nagmamay-ari ng malaking Chocolate Company, siya rin ang napipisil ng ama na pumalit sa kanyang puwesto. Dito na mag-uumpisang api-apihin nang patraidor si Rose ng madrastang si Laura Bayle-Buenavista (Dina Bonnevie) at anak na stepsister ni Rose na si Sasha Bayle na ginagampanan naman ni Maricar Reyes. Nang umibig si Rose sa very Papable na si Patrick (Paulo Avelino) na personal niyang kinuha para maging chocolatier sa itinayong Cho-colate Shop dahil siya lang ang kaisa-isang lalaki na nagsabing maganda siya at sineryoso siya at pinaka-salan. Dito na mas lalong tumindi ang galit sa kanya ng mag-inang Laura at Sasha na may nakaraan kay Patrick. Sinamantala nila ang galit ni Don Henry nang magpakasal si Rose kay Patrick. At isang trahedya ang magaganap. Sinadyang inihulog sa building ang daddy ni Rose. Dito na mararanasan ni Rose ang matinding kalbaryo at kung paano siya nakulong at nakasama ang abogadong si Emmanuelle na ginagampanan rin ni Bea sa isang malagim na aksidente at paano napunta sa kanya ang mukha ni Emmanuelle na namatay sa pagsabog ng kotse. Ang pagsulpot ng bagong Rose na diyosang-diyosa ang ganda ay hudyat ng paghihiganti kay Sasha at Patrick na inaakala niyang niloko siya. Maghahanap rin ng hustisya si Rose sa pagpaslang sa kanyang ama. Si Albert Martinez bilang si Leo Romeo, pala ang gaganap na husband ng tinitingalang lawyer na si Emmanuelle at may isa silang anak rito. Mother naman ni Albert si Susan Roces bilang Ruth Gaspar na owner ng Prestige Chocolate company na mahigpit na kakom-petensiya ng kumpanya ng mga Buenavista. Kasama rin si Tonton Gutierrez sa cast bilang si Carlos Syquia na masyadong misteryoso ang role at may past kay Dina. Kokompleto sa powerhouse cast sa most expensive and big teleser-yeng ito sina Anita Linda, Bembol Rocco, Francis Mangundayao Michelle Vito at Miguel Vergara. Ito ay mula naman sa ilalim ng mahusay na direksi-yon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. Huwag palalampasin ang pagsisimula ng kuwento ng “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” simula ngayong Monday sa ABS-CBN 2.
TUMATAGINTING NA P200-K, NAG-AANTAY SA MANANALONG BATO-BATO AT CHAKANG BADING SA “SUFFER SIREYNA”
Belattt sa mga nang-iintriga sa laugh trip na segment ng Eat Bulaga na “Suffer Sireyna” sa Juan For All, All For Juan. Dahil isang sopresa ang hatid ng Eat Bulaga sa kanila dahil tumataginting na P200-K ang nag-aantay na premyo para sa kauna-unahang tatanghaling “Suffer Sireyna 2014.” Siyempre may iba pang katawa-tawang papremyo na accept naman ng mga contestant dahil una pa man ay alam nilang katuwaan lamang ito. At least ngayon masasabi ng mga bato-bato at chakang bading na may “K” rin sila. Kung noon ay hindi sila pinapansin sa mga Gay Beauty Pageant, ngayon, binigyan sila ng pansin at pag-asa ng Eat Bulaga para magningning sa telebis-yon. Aba! Kahit na hindi kagandahan ang itsura marami na silang fans at sikat na sila sa kanilang mga Barangay. Kaya abangan sa mga darating na araw kung sino ang mananalo sa kuwelang-kuwelang pakontes ng EB.“