Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Muntinlupa aangat kay Fresnedi

MULING nabuhay ang sigla ng Lungsod ng Muntinlupa sa pamumuno ni Mayor Jaime Fresnedi.

Kakaiba kasi ang estilo ng pamamahala ni Fresnedi lalo na sa usapin ng tahasang pagbibigay ng serbisyo sa tao.

Hands on leadership ang style ni Fresnedi kaya’t ang lahat ng kaliit-liitang detalye ng kanyang mga isinasakatuparang proyekto ay talaga namang nasa ayos at kapaki-pakinabang sa mamamayan ng Muntinlupa.

Maging ang mga tao ay umaayon sa sipag at aktibong pamamalakad ni Fresnedi dahil nakikita nilang ang kanilang ibinabayad na buwis sa pamahalaang lungsod at talaga namang napupunta sa maayos na proyekto na kailangan ng madla.

Ilan sa mga proyektong isasakatuparan ni Mayor Fresnedi ay ang scholarship program na talaga namang kailangang-kailangan ng kabataan sa ngayon.

Umabot sa P63 milyon ang kaniyang inilaan sa pag-aaral ng mga kabataan na base sa paniniwala ni Fresnedi ay siyang susi para makaahon sa buhay ang isang anak maralita.

Maging ang pagtatayo ng silid-aralan ay naging prioridad din ni Mayor Fresnedi at katunayan ay pasisimulan na niya ang construction ng 28 silid aralan sa Bgy Cupang.

Maging ang pagapapailaw ng buong siyudad gamit ang matipid at epektibong LED ay isasakatuparan na rin ni Fresnedi dahil naniniwala siyang ang maliwanag na kapaligiran ay siyang susi para sa tahimik na lipunan.

Hindi lamang ito ang mga mangyayaring pagbabago sa Muntinlupa kaya’t tayo nang makiisa dahil marami pang magagandang proyekto ang darating sa lungsod na talaga namang nangangailangan ng kalinga.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …