ni ROLDAN F. CASTRO
MAALIWALAS ang panonood sa mga male housemate sa Pinoy Big Brother All In dahil mga guwapo. Wala kang itatapon sa hitsura nila. Pero nakakaloka rin ang mga mababasa sa social media dahil nanghuhula sila kung sino ang bisexual? Ang nakawiwindang pa, dalawa ang pinagdududahan, huh? True kaya ito? May bagong Rustom Padilla kaya sa PBB house na magiging Bb Gandanghari?Kung sabagay, lagi namang ganyan sa showbiz, hindi nawawala ‘yung chism at pagdududa sa gender, huh!
Trending din sa PBB ang #bidet. Pero ang host ng PBB at star ng Banana Split na si John Pratsay pinag-uusapan din sa social media.
Kung makapag-react daw ito ay para bang kalait-lait na ang mga taong hindi alam kung ano ang bidet. Hindi nga naman ito ordinaryo gaya ng tissue paper o tabo. Common ito sa gaya niyang may kaya at sosyal pero sa mga ordinaryong mamamayan, mas sikat pa si Aling Biday kaysa bidet, ‘no?
Boompaness!!!