Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, last season ng PBB na single siya

ni  Rommel Placente

SA pinakabagong edisyon ng PBB All In itinampok ang bagong susubaybayang housemates na may edad na 15 hanggang 30 taong gulang na haharap sa iba’t ibang challenges at susubukin ang pagpapakatotoo sa loob ng 100 days.

Pinangunahan ang PBB All In ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo at ang bagong ka-hang out ni Kuya na si Alex Gonzaga.

Ngunit bago ang grand kick-off kahapon, may ilang housemates nang unang ipinakilala sa ASAP 19at Buzz ng Bayan.

“Hindi ko alam kung anong pwedeng i-expect ng viewers sa ‘PBB’ kasi ang lahat na nangyayari sa loob ng bahay, unexpected. Pati kami, inaabangan namin kung ano ang mangyayari, ang bagong tasks, ‘yung clash ng iba-ibang personalities,” ani Toni.

Nagsimula si Toni bilang host noong unang regular season pa lang ng  PBB, ngunit hanggang ngayon ay excited pa rin daw siya kung ano ang mapapanood nilang bago sa show.

“I was only 21 when I joined ‘PBB.’ Hindi na siya trabaho para sa akin, kumbaga pangalawang pamilya ko na. Nag-mature at nag-grow ako rito hindi lang bilang host pero bilang tao na rin,” dagdag niya.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang muling magbabalik sa ere ang PBB?

“In-expect na namin. Nag-expect agad kami,” natatawang sabi ni Toni.

“Kasi ang tagal-tagal nagpahinga sa ere ang ‘PBB’. Almost a year and a half.

“So in-expect namin na talagang magbabalik siya sa ere.

“Noong nawala ‘yung ‘PBB’ naging busy kami sa kanya-kanyang buhay namin.

“Na-engage na si Bianca. Tapos sabi namin bago sana ikasal si Bianca magbukas ulit ‘yung Bahay Ni Kuya.

“Ito ang last season ni Bianca na single siya.”

Siya rin ba last season na single siya?

“Hindi natin masasabi,” natatawang sagot ni Toni.

“Sa takdang panahon siguro malalaman natin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …