Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, inihanap ng BF ang anak

ni  Pilar Mateo

INANG mahilig panghimasukan ang personal na buhay ng anak ang karakter na bibigyang-buhay ni Vina Morales sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Abril 26).

Dahil sa naranasang paghihigpit ng kanyang ama, ipinangako ni Bambi (Vina) sa sarili na palalakihing malaya ang anak na si Donna (Ingrid dela Paz). Ngunit sa labis na pagiging malapit sa isa’t isa, umabot ang pag-aasikaso ni Bambi sa anak hanggang sa paghahanap ng boyfriend nito.

Hanggang saan kayang tiisin ni Donna ang pakikialam ni Bambi sa kanyang buhay pag-ibig? Paano aabot sa lihim na pagkasuklam ang nararamdaman ng isang anak sa labis na suportang ibinibigay ng kanyang ina?

Tampok din sa MMK sina Bianca Casado, Benjie Paras, Lloyd Zaragoza, Markki Stroem, AJ Muhlach, Bryan Homecillo, Rez Cortez, Janice Corado, CJ Navato, Alexander Diaz, Elisse Hoson, at Vangie Mortell. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Garry Fernando, sa panulat ni Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Michelle Joy Guerrero.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon at Fe Catherine San Pablo.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,  MMK ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ag @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …