Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg Imperial, palaban sa pagpapa-sexy sa Moon of Desire

ni  Nonie V. Nicasio

WALANG kaso kay Meg Imperial kung i-consider siyang isang sexy actress. Sa teleserye niya kasing Moon of Desire ng ABS CBN ay may mga nakakikiliti at daring na eksena si Meg.

“Not a problem kung sabihing sexy actress, for as long as sa TV lang. Kasi, I’m not like that naman in person. Nagpo-portray lang ako ng character. Plus it’s not a bad thing naman, basta may talent ka.

“Dito kasi sa Moon of Desire, iba ang pagiging desirable ko. Iba ang sexiness ko rito, ako po kasi ang feeling ko’y nandoon ako sa image na sexy pero innocent pa rin,” paliwanag ng Kapamilya actress.

Ayon pa kay Meg, naiiba ang project niyang ito at nagpapasalamat siya sa Dos sa pagbibigay sa kanya ng chance na magbida sa ganitong TV series.

“It’s something diffrent. She’s a DJ with a hypertrichosis which is not a normal condition. Ang karakter ko rito, may angst siya from the past at iyon ang dahilan kaya ganoon siya nang lumaki.

“Ang Moon of Desire ay isang sexy-drama at ang makikita rito ng audience ay isang mature na Meg Imperial,” nakangiting esplika ni Meg na unang nagbida sa pelikulang Menor de Edad noong 2013.

Ayon pa sa 21 year old na aktres, dahil maraming stars sa ABS CBN, mahirap ang mabigyan ng ganitong chance. Kaya naman sobra siyang natutuwa sa blessings na ito.

“I’m happy dahil worth the wait naman at sulit iyong lahat ng paghihirap. I almost give up, pero ang ABS CBN ay binigyan ako ng pag-asa na maipagpatuloy ang gustong-gusto kong ginagawa, ang umarte.

“Overwhelmed talaga ako nang dumating ang offer na ito dahil hindi na ako nag-expect e. Basta dumating na lang siya, sa rami ng magagaling na artista rito sa Dos, mahirap na mabigyan ka ng break. Isa pa, ang mga star ng ABS, they really know their craft, magagaling talaga sila.”

Idinagdag pa ni Meg na masayang-masaya siya sa pag-aalaga at tiwalang ibinibigay sa kanya ng Dos kaya naman lalo niyang pinagbubuti ang kanyang trabaho. “They will hone you talaga to be better or even greater. Kaya I am happy na they trust me. Sa rami ng magagaling doon, they give me the chance to show what I’ve got.”

Bukod kay Meg, ang Moon of Desire ay tinatampukan din nina JC de Vera, Ellen Adarna, Dominic Roque, Miko Raval, Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez, at Franco Daza. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

REGINE TOLENTINO’S SUMMER WORKSHOP, MAGSISIMULA  NA SA APRIL 28

HINDI dapat palagpasin ang Regine Tolentino’s 10th Ultimate Summer Workshops (April-May) na ginagawa ng Dance and Fashion Diva taon-taon. Ginaganap ito sa kanyang RTStudios sa Unit 6&7 Valencia Hills Condo Commerical Complex, Valencia St. cor. N. Domingo St., QC (behind Broadway Centrum, near Metrobank  and Metropole)

Kabilang sa mga program na puwedeng mag-enroll ay sa Hip Hop and Breakdancing, Bellydancing, Musical Theater, Voice Power, Latin Ballroom , Zumba, Personality Power, Modeling, and Hosting.

“Every summer ‘yang workshop namin, tenth year na namin ito and we have a grand dance concert sa lahat ng mga estudyante po namin,” wika ni Regine. “Sa mga interested, please call 723-8289, 9660422, 726-6669, 966-2832. You can follow us at Instagram & Twitter: @RTStudiosPH & @RBoutiquePH anytime. Iyong mga inquiries nasasagot agad ng mga staff namin iyan,” saad pa niya.

Idinagdag pa ni Regine na puwede rin mag-register on-line, “Type this on your address bar to register on-line: bit.ly/1ePh4Rg or visit us at @reginesboutiqueph and @rtstudiosph to sign up on site.”

Isa sa makakasama ni Regine sa workshop na ito ang dating Viva Hotbabe na si Andrea del Rosario na bukod sa pagiging health buff tulad ni Regine, ay itinuturing din bilang Fire and Bellydance Queen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …