Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mona at Miggs, dumalaw sa Nueva Ecija

ni  Vir Gonzales

WALANG kapaguran and dalawang GMA child star na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno noong naging special na panauhin ni Jaen, Nueva Ecija Mayor Santi Austria.

Nag-motorcade ang dalawang kasama ng iba pang kalahok sa parada na ginanap sa San Vicente Jaen, Nueva Ecija. Si Mayor Santi ang nagpagawa ng anim na school building sa Jaen. Malaking naitulong niya sa pag-unlad ng bayang ito. Nakasama nina Miggs at Mona sa paglibot sa San Vicente, sina Konsehal Dante Buan at Municipal Coordinator JB Mangonay, bukod kay Mayor.

Nakakita ang dalawa ng mga nakatumbang malalaking puno ng mangga at ibang mga produkto sa Nueva Ecija na pininsala ng nagdaang bagyong Santi. Nakapangalan pa nga daw ng Mayor ang naturang bagyo pero mga kabutihan naman ang grasyang naikalat nito pagbibiro ng butihing mayor.

Magkakasama sina Mona at Miggs sa Asintado tampok si Aiko Melendez. May gagawin din silang TV show titled BFF Forever na pambata. Mapapanood si Mona ngayong darating na Lenten season kasama si Marian Rivera, na kinunan sa Hospicio de San Jose. Si Miggs naman kasama si Ms. Susan Roces na pang-Holy Week din. Parehong magaling umarte ang dalawa.

Maraming bata sa Nueva Ecija ang napaligaya ng dalawang GMA kids. Pinatunayan ng mga ina ng dalawang bata na sina Judy Chua at Al-Alawi, na basta makapagpapasaya sa kapwa bata walang problema sabi nga nila, hindi naman lahat sa pera tumatakbo ang isip ng tao. Mahalaga pa rin iyong makatulong ka sa kapwa. Korek.

***

PERSONAL… Welcome home sa mga balikbayang mula New York, USA na si Ms. Vitaliana Inductivo Salvador na taga-Milflora, San Rafael, Bulacan at Elizabeth Rosal na galing ng Toronto, Canada na taga-Subic, Baliuag, Bulacan. Damang-dama raw sa Pilipinas ang kahalagahan ng Mahal na Araw, ‘di tulad sa ibang bansa.

Maligayang kaarawan din kina Dalisay Daleng Almazar ng Maginao, San Ildefonso, Bulacan at Julieann Betita ng Magallanes Hotel, Tagaytay City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …