Monday , December 23 2024

Gov. Vi at pamilya nagbakasyon sa tate (Balikan nina James at Kris pantasya ng marami)

ni   Art T. Tapalla

UMALIS kahapon patungong United States of America ang mag-anak nina Senador Ralph G. Recto at Batangas Gov. Vilma Santos, kasama si Ryan Christian, ate Emily at pamilya, at ang ever loyal na si Tita Aida Fandialan.

Ang unang rason sa pagbabakasyon ng mag-anak ni Baby Vi (peram kuya Gil Villasana) ay ang paghahanap ng school para pasukan ni Ryan Christian, na nagtapos ng kanyang secondary course sa De La Salle Zobel.

Ryan Christian who just turned 18 last March 29, ay balak daw kumuha ng kursong Business Administration.

Dapat kasama sina Luis Manzano at Angel Locsin sa nasabing lakad dangan lang ay hectic ang kanilang schedule na nila kinayang ipagpaliban.

Sa Tate na rin sana ipagdiriwang ang 34th birthday ni Luis sa darating na Abril 21 kung nakasama sila ng kanyang nililiyag.

Speaking of Gov. Vi, muli siyang ginawaran ng Doctor of Humanities – Honoris Causa ng Batangas State University for her outstanding  record as an actor/public servant.

Pangatlo na niya ito, una ang iginawad ng Lipa Public College  2005 at ikalawa mula sa University of Northeastern Philippines 2009, Iriga City.

Speaking of Ryan Christian, pagdating nila from Tate sa Abril 24, sasabak agad siya sa shooting ng pinakabagong family drama ng Star Cinema kasama ang kanyang future ate Angel Locsin.

At meron din nakaabang na indie project para sa kanya sina direk Lav Diaz at Brillante Mendoza.

BALIKANG JAMES AT KRIS PANTASYA NG MARAMI

SA mga nakakita sa huling paghaharap ng estrange couple na sina James Yap at Kris Aquino, kaugnay sa permanent visitation rights ni James kay James Yap, Jr., kakaiba ang sigla ng rehistro ng mukha ng presidential sister habang magkahugpong ang kanilang kamay ni James.

Damdam  ng mga nakasaksi, naroon pa rin ang ‘kilig’ factor  sa BFF ni Boy Abunda, sa kabila ng mga kontrobersiyang kanilang kinasuu-ngan para sa kustodiya kay Bimby.

At kitang-kita nitong huling kaarawan ni James, Jr., nakasama ni James sina  Bimby at Joshua, at feel-na-feel ng dalawang paslit ang kanilang kasiyahan sa buong maghapon silang magkakasamang tatlo.

Makikitang walang namagitang gap o ‘di pagkakaunawaan si James kina Bimby at Joshua.

“Sana, magkabalikan sina James at Kris. Sa totoo, bagay pa rin sila lalo na ngayong medyo nag-mature na si James,” komento ng isang James Yap fanatic.

Sasabihing maraming naglabasan na naglilink sa TV host/actress kung kani-kanino, pero lumalabas na pawang bahagi lang ng isang publicity slant, na kundi may iniendosong produkto si Tetay, ‘yung lalaking inili-link sa kanya ang meron bagong product endorsement.

Pwede ba, tigilan ang pagli-link sa kanila ni Mayor Bistek Bautista dahil very much secured ang married life ng panganay ni Ate Baby (RIP) at direk Butch Bautista.

At ang pagsulpot pa ng kani-kaninong pa-ngalang actor na kuningkuning namimintuho kay Tetay, please ibang anggulo ng publicity na lang ang ating pagtuunan.

EARTH DAY 2014 AT CCP

Ipagdiriwang  ng Cultural Center of the Philippines ang Earth Day sa iba’t ibang lugar ng CCP complex sa temang  “Clean Air” sa Linggo,  Abril 13, 2014.

Sisimulan ito ng isang Fun Run sa CCP Complex dakong 6:00ng umaga, susundan ng pagtatanghal ng Ballet Philippines at ventriloquist Wanlu sa harapan ng CCP, dakong 7:30ng umaga.

Ganap 8:00 ng umaga, magbubukas ang exhibits at fair, at bubuksan sa publiko ang mga likhang-sining ng visual artist na si Junyee, tampok ang 300 bamboo poles na itatayo sa front lawn, creating an artistic cluster of “windmills” which transforms the area into a place of wind movement.

Dakong 9:00ng umaga, a yoga class will be conducted by the Gentle Warriors at the CCP Main Theater Lobby as well as a ‘Chalk Art’ activity conducted by the Philippine Art Educators Association (PAEA) at the CCP Lagoon Driveway Area.

The Philippine Biochar conducts a workshop on using Biochar, Bokashi Balls, Hering Agents, 9:30am at the CCP Ramp. At 10am, a dance class will be conducted by the Gentle Warriors at the CCP Main Theater Lobby while Haribon Foundation conducts a guided tour on familiarization with trees at the CCP’s Liwasang Kalikasan. At 10:30am, Sipat Lawin Ensemble will do storytelling while Haribon Foundation will screen the film entitled “Biodiversity on Wheels” at the CCP Promenade. At 11am, a kendo class will be conducted by Gentle Warriors at the CCP Main Theater Lobby, while the Bureau of Plant Industry conducts a grafting workshop at the CCP Ramp. At 11:30am, ventriloquist Wanlu stages his show “Wanlu, Wan Earth, Wans More” at the CCP Ramp. The Gentle Warriors will conduct an arnis class at the CCP Main Theater Lobby at 12nn.

Other activities happening at the CCP Ramp in the afternoon are workshops and storytelling (1:30-2pm), a Do-it-yourself demo on a makeshift “Aircon”, as well as Kite assembly and flying workshop by the Kite Association of the Philippines (2:30pm), with a performance by Mga Anak ni Inang Daigdig (3pm). At 4pm, the Kite Association of the Philippines will hold kite flying activities at the CCP’s Front Lawn, Ramp and Promenade. At 5pm, Drone Video / Camcording at the CCP Ramp will be followed by a performance of Mga Anak ni Inang Daigdig at the CCP Ramp at 6:30pm.

Earth Day at the CCP is held in cooperation with Haribon Foundation, Kasibulan, Philippine Art Educators Association (PAEA), Foundation for Philippine Environment, Philippine Biochar, Bureau of Plant Industry, and Kite Association of the Philippines.

For more information, call the CCP Administrative Services Department at 551-0323, 832-3677.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *