IBINANDO ni Direk Vince Tañada na numero uno ang Philippine Stagers Foundation (PSF) sa mga kasalukuyang theater groups sa bansa. Agree naman kami dahil ang lupit naman talaga at super talented ng grupong ito na itinatag nina Direk Vince at ng kanyang mga kaibigang taga-San Beda, thirteen years ago.
“I’d like to tell you that we are the number one theater company in the Philippines now. We are not mainstream compared to the CCP, but we remain to be humble and silent for like thirteen years.
“This is the first time that I called the press to announce to everybody that the last season, the twelfth season, we had 449 shows all over the Philippines. I guess, no other theater company achieved that, 449 shows, full packed shows and that is continuous for nine months,” paliwanag ni Direk Vince.
Sinabi rin ni niyang ginawa nila ito sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao. At ang susunod nilang target ay ang dalhin naman ang mga play ng PSF sa ibang bansa. “We intend to go international, we have invitations from Guam, Abu Dhabi, Dubai, at isa pang bansa sa Middle East.”
Kabilang sa ilang plays na nagawa ng PSF ang O’ Moises, San Pedro Calungsod, Desaparecidos, Ako Si Ninoy, Cory ng EDSA, Ang Bangkay, at ang katatapos lang na Bonifacio, Isang Zarzuwela na nagkaroon ng 449 na pagtatanghal sa loob ng siyam na buwan.
Sa panig naman ni Direk Vince, twice na siyang nanalo ng Best Actor (2007 at 2009) sa Aliw Awards sa pagganap sa O’ Moises at sa Cory ng Edsa. Dalawang beses na rin siyang nanalo rito bilang Best Director.
Binigyang diin din ni Direk Vince ang pagbabago sa PSF sa pagsisimula ng kanilang 13th season. “We built this 13 years ago with an objective of not only performing educational and entertaining shows, but more important than that, to have a purpose in the society.
“We’ve been roaming all over the Philippines trying to perform in various places. But this year, the objective of the theater company has changed, it has become a ministry. We want to end as a performing group, we want to begin as a performing group with a purpose and with a cause.”
Ibang klase ang sistema sa PSF dahil lahat ng miyembro ay may buwanang sahod kaya talagang ibinibigay nila ang lahat nang kanilang galing sa bawat performance dahil ito talaga ang kanilang bread and butter. Maliban kay Direk Vince na ang kanyang propesyon bilang abogado ang talagang ikinabubuhay niya.
Sa mga hindi nakaka-alam, kahit mahal na mahal niya ang teatro, sinunod ni Direk Vince ang kagustuhan ng mga magulang na mag-aral ng law. Nagtapos siya ng AB Philosophy bago nag-Law sa San Beda College. Sa gulang na 23, isa si Direk Vince sa pinakabatang pumasa sa Bar.
Anyway, nakakabilib din ang ibalita ni Direk Vince na may mga tao siya sa PSF na ipinadadala pa sa London upang mas mahasa ang kanilang galing at talento sa teatro.Dapat ding saluduhan ang proyekto nilang nagbibigay scholarships sa maraming mag-aaral, pati na mismo sa miyembro ng PSF upang makapagtapos ng pag-aaral. Actually, pati mga summer workshops ng PSF na may gagawin na naman sila ngayong bakasyon ay libre lang, kaya suwerte ang mapipiling participants dito. Dahil bukod sa walang bayad, sigurado sila na magagaling ang magtuturo sa kanila rito.
Bilang bahagi ng bago o dagdag na advocacy ng PSF, sila ay may mga makabuluhang proyekto na naglalayong tumulong at ibalik sa mga karapat-dapat ang biyayang natatamasa nila ngayon. Kabilang sa mga proyektong ito ang Project Paglaum na tutulong sa mga nasalanta ng Yolanda, Monay at Star na isang feeding program ng PSF, at iba pang proyekto.
Anyway, tuloy-tuloy sa pagratsada si Direk Vince at ang kanyang PSF. Matapos niyang sungkitin ang Best New Actor of the Year sa 30th PMPC Star Awards for Movies, ang susunod namang aabangan sa kanya ay ang pelikulang Esoterica Manila na pinagbibidahan ni Ronnie Liang at mula sa pamamahala ni DirekElwood Perez.
Ang movie namang Otso na siyang first starring role ni Direk Vince ay sasabak sa mga international film festivals tulad ng Hong Kong, Melbourne, Australia, at Italy.
Sa teatro naman na siyang first love ni Direk Vince, ang next play ng PSF ay ang Filipinas 1941 na after ng preview nito sa 12th anniversary presentation ng PSF sa Diamond Hotel, nasabi namin kay Atty. Vince habang kinakamayan namin siya na parang higanteng teleserye ang dating ng bagong play ng PSF. Kaya sure kaming aabangan na naman ng marami ang play na ito ng PSF.