Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing ni JC sa drama, tiyak na mapipiga ni Direk Erick

ni  Vir Gonzales

MASUWERTE sina JC de Vera at Meg Imperial, dahil ang batikang TV director na si Erick Reyes ang magha-handle sa teleserye nilang Moon or Desire.

Si Direk Erick ‘yung tipo ng director na magaling magdirehe pero walang ingay. Hindi nakabandera ang magic touch n’ya sa directing at teleserye, kulang na nga lang kay Direk Erick na mabigyan ng chance to direct a movie sa Star Cinema.

Marami na silang napagbigyan, at marami ang naghihintay para mapanood naman nila ang direction ni Direk Erick sa movie.

Si Direk Erick, ‘yung tipong matatawag na silent water, pero it runs deep! Kahanga-hanga ang mga execution niya sa pag-handle ng kamera. Tagahanga kami ni Direk buhat pa noon. Marami siyang followers. Ilan sa mga naidirehe na niya sina Angel Locsin, Piolo Pascual, John Loyd Cruz at iba pa.

Matagal-tagal ding napanood si JC pero hindi gaanong matandaan ang mga role niyang nagampanan. Parang papogi lang ang ilan sa mga nagawa ng binata. Ngayon, talagang pinaghandaan ni JC ang pagharap sa bago niyang gagawing serye, sa bagong lipat bahay niya.

Jao, umalis na sa poder ng Viva

WALA na sa Viva si Jao Mapa. Rati ay nakakontrata ang actor sa naturang film outfit. Ngayon ay freelance na at puwede nang makipag-usap kung sino ang interested kumuha sa kanya.

Katatapos lang ipalabas ang latest movie ni Jao, ang Kamandag ni Venus  starring Rajah Montero at Leandro Baldemor, under  Teknikolour Films produced ni Randy Mendoza.

Kailan kaya magkakaroon muli ng exhibit ang kanyang mga painting? Nakakatuwang malaman na maraming nabili sa painting ni Jao na karamihan ay mga chicks! Abstract ang malimit niyang iguhit.

***

Personal…Maligayang bati sa mga naggagandahang Delicious Resto girls na sina Norma Araneta Ampong, Susan Tan, Terry Perucho, at Senia Magunzad. Dating mga taga-showbiz ang parokyano nila sa naturang lugar noong pnahong nasa Escolta pa ang mga movie producer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …