ni Nonie V. Nicasio
SINABI ng mga magulang ni Kathryn Bernardo na sina Teddy at Min Bernardo na aprub at may tiwala sila kay Daniel Padilla.
Sa idinaos na 18th birthday ni Kathryn recently, sinabi ng father niya sa pahayag nito ng pasasalamat sa debut ng kanyang anak, na okay sa kanya si Daniel at pinasalamatan din niya ito sa pangangalaga kay Kathryn. Ang mother naman ni Kath ay nagpahayag din na noon pa man daw ay pabor siya sa panliligaw ni Daniel sa kanyang anak, basta huwag lang silang papasok muna sa relasyon.
Masaya naman si Kathryn sa positibong pahayag ng mga magulang kay Daniel. Pero sinabi ng dalaga na ayaw niyang madaliin ang pagkakaroon ng BF.
“Gusto ko lang mag-enjoy talaga ngayong 18 na ako. Ayoko madaliin. Let’s see what will happen.”
Nagpasalamat din siya kay Daniel sa pagiging escort niya sa kanyang debut. “Thank you for being my escort tonight. I’m always here for you. Parang ikaw sa akin.”