Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, hanap ay tulad niyang Christian kung mag-aasawa muli!

ni  Pilar Mateo

SHE has found her peace!

‘Yun ang nai-share sa

amin ng aktres na si Aiko Melendez sa story conference ng first indie movie niya courtesy of direk Luisito Lagdameo Ignacio, na mas kilala as direk Louie. Ito ang Asintadona siyang ilalahok sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival/director’s Showcase Category sa Agosto 2014.

Ang pagtatampok sa kanya sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ang huling namulatawan kay Aiko sa telebisyon, matapos din ang seryeng Apoy sa Dagat na kinabilangan niya.

Manaka-naka ngang nakikita ang mga larawang magkasama sila ng dati niyang asawang si Jomari Yllana sa kanilang mga bonding moment with son Andre at ang anak ni Aiko na si Marthena. Pero, hindi pa naman daw sila talaga nagbabalikan ng aktor.

“If you know Jom, kahit naman nagkahiwalay na kami at naayos na ang annulment ng civil wedding namin, kapag nagkita naman kami niyan, nandoon pa rin ang respeto niya sa akin bilang ina ng aming anak. At saka, nakikinig pa rin siya sa mga opinyon at desisyon ko. Minsan nga, ang nakakaloka, ang reaksiyon ni Mommy at ni Andre. Si Moomy Elsie, certified Aiko-Jom ‘yan kasi. Kaya, ‘pag nagdi-dinner sa bahay, may mga komento. bakit daw kasi naghiwalay pa. Even si Andre. Magtatanong, ‘Mama, love mo pa rin ba si Dada? Are you smirking or are you kilig?’”

Sa ngayon nga raw parang magulo kung mapasok sila sa pagbabalikan. Dahil nga saradong Katoliko si Jomari at si Aiko naman eh, kamakailan lang bininyagan sa pagiging born-again Christian niya.

“As it is, tuloy-tuloy lang naman ang magandang friendship namin. May plano nga kaming magkakaibigan (Gelli de Belen, Carmina Villarroel and Candy Pangilinan) to produce our own movie na ididirehe ni Wenn Deramas. At mayroon din akong project na kami ni Jom ang magkakasama. Na si Pops (Fernandez) ang magla-line produce. When we were planning it, siyempre, tinanong ko rin muna si Pipa kung okay lang ba na si Jom ang maging artista namin. For a time, hindi muna ‘yun naasikaso o nabigyan ng saot. But habang dumaraan ang mga araw, parang magiging okay na.”

But in the meantime, magpapaka-aktres muna sa Asintado si Aiko kasama sina Gabby Eigenmann, Jake Vargas, Migs Cuaderno, Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, at Jak Roberto.

Unang sabak ni Aiko, pati na ng ilan sa mga kasama niya at ni direk kaya naman daw excited ang aktres na maibigay ang lahat ng kaya niya para sa papel niya bilang si Julia na ina ng dalawang supling (Jake and  Migs) na masasangkot sa malaking sigalot ng buhay nila.

May malaking partisipasyon ang age-old tradition na “taong putik” festival sa ikot ng pelikula na ipinagdiriwang sa Nueva Ecija.

Napansin din namin na pumayat si Aiko. Aminado naman ito na nagbabawas nga siya ng timbang sa kanyang pagdi-diyeta.

Ang big reveal? ”No sex! Matagal na! Kaya ang mga aka-akala ninyo na porke nagkikita kami ng lolo (Jom) niyo eh, may nangyayari sa amin, wala po. Kasi, bawal ‘yun ngayon. Magagalit si God. At wala rin ‘yun ni Dada. Kaya nga, kung ako eh, ikakasal uli sa lalaking makikilala ko, mas gusto ko na ‘yung gaya ko ring Christian. Kasi, mas naiiintindihan ko na what it means kung ano ‘yung pagsasamang binuo sa mata ng Diyos na hindi pwedeng paghiwalayin ng kahit ano pang pangyayari.”

Marami raw manliligaw. Pero mukhang wala sa kanila ang maka-asinta sa tunay na inaarok ng puso ni Aiko!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …