Monday , December 23 2024

Sam, nagtayo naman ng kapehan (After ng bar restaurant…)

ni  Reggee Bonoan

SA edad 30, aminado si Sam Milby na kailangan na niyang paghandaan ang kanyang kinabukasan dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa showbiz lalo’t maraming nagsusulputang mga batang aktor ngayon.

Say nga ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo, “iba ang cycle ngayon, pabata ng pabata ang mga artista, kaya siguro kailangan mong gumawa ng something na matatandaan ka ng tao para hindi ka makalimutan.”

At aware raw si Sam dito kaya naman nagtayo na naman pala siya ng bago niyang negosyo, ang Third District Coffee Shop sa may Esteban Abada Street, Loyola, Quezon City na nasa gilid daw ng Shakey’s.

For the record, dalawa na ang negosyo ni Sam, ang Prost Restaurant sa  Fort Strip, Bonifacio Global at itong coffee shop na parehong kasosyo  si Dominic Hernandez na karamihan sa itinayong negosyo rin ay kainan.

Diretso naming tinanong si Sam kung bakit kapehan ang itinayo nilang negosyo ng kaibigan niya.

“Actually, I was invited by Dom to put this coffee shop, kasi ‘yung dating restaurant nilang Kebab, ‘yun ‘yung puwesto ngayon ng Third District, sabi niya, ‘sama kita.’

“Nag-aral ako ng crash course sa Hongkong para may alam kami sa kape, sa basics ng kape like kinds of coffee,” bungad kuwento ng aktor.

Kapag hindi raw busy si Sam ay pumupunta siya sa Third District para i-check kung kumusta ang takbo nito.

“Nakagugulat kasi wala pang one-week soft opening palang, maraming tao parati, we open at 7:00 a.m. then we closed by 11:00 p.m.at maraming tao, so nakatutuwa,” namimilog ang mga matang kuwento ng binata.

BARISTA NA ANG AKTOR

Inaming nagtitimpla o barista si Sam kapag naroon siya sa kapehan nila at tsumitsika at nagpapa-picture sa mga customer. Oo nga naman, isang pamamaraan ito para puntahan ka ng tao. (Ay naku Regs, dyan na ako laging magkakape hahaha—ED)

Ano naman ang pagkakaiba ng Third District sa ibang coffee shops na naroon tulad ng Starbucks, Gloria Jeans, Coffee Bean, at McDonalds?

“Punta ka para malaman mo,” pabirong sabi sa amin ni Sam.

“Actually, it’s the feeling, especially the other coffee shop, automatic (amoy kape), ‘yung sa amin, iba ‘yung lasa ng kape, if you’re a coffee lover, you’ll taste the difference.

“’Yung coffee bean namin, galing Vancouver (Canada), it’s not a local coffee, kami lang ang distributor dito sa Pilipinas ng coffee roasters, ito ‘yung 49th Parallel sa Vancouver, you can check it out.

“It all started when my business partner Dom was in Vancouver at natikman nga niya ‘yung coffee na ibang lasa, at nagkataon na nandoon ‘yung owner sa shop ng 49th Parallel so nag-inquire siya kung puwedeng dalhin dito ‘yung coffee nila.

“Like any other coffee shops, we don’t offer caramel macchiato or iba’t ibang flavors ng coffee. Sa Third District, we only have, black coffee, iba ‘yung beans. Kung gusto mong milky coffee, mayroon. ‘Yung espresso, café latte, cappuccino, ‘yun lang offer namin, walang dagdag na ibang flavor.

“On the side, mayroon kaming offer na gelato ice cream, it’s home made at laging ubos ‘yun. And one of the bestseller also vanilla ice cream with a shot of espresso. Kasi ‘di ba mapait ‘yung espresso, ‘pag hinalo mo na ‘yung vanilla, sakto ‘yung taste, ‘yung bitterness ng espresso sa tamis ng vanilla,”kuwento ni Sam.

EQUITIES, SUNOD NA INENEGOSYO

At dahil kitang-kitang masaya si Sam sa bago nitong negosyo ay tinanong namin kung ano ang susunod niyang itatayo, “pagdating sa pera, plano ko equities.

“I had a meeting last week with banks executive at gusto kong subukang mag-invest sa equities, so ako, I’m planning to invest. Trusted naman ang universal banks, hindi sila puwedeng manloko.”

Nabanggit din ni Sam na tumataas daw ngayon ang stock market, “so it’s a good time to try your luck in the stock market, pati sa bonds, at least hindi natutulog ang pera mo sa banko, kumikita pa rin. So, dapat sa right bank ka dapat mag-invest kasi beginner pa ako sa bonds, stocks.”

GAANO NA NGA BA SIYA KAYAMAN?

Kaya ang sumunod na tanong namin kay Sam, ‘how rich are you?’

Natawa ang aktor, “how rich am I? I am very content. I am stingy in a way now.  Kalma na ako (gumastos), I don’t buy stuff that I don’t need like gadgets.”

Mahilig kasi sa gadgets ang aktor lalo na kapag may mga bagong labas ang Samsung na maski endorser siya ay bumibili rin pala at maging sa mga produkto ng Apple ay mega-buy din siya lalo na kapag nasa Japan siya dahil mas mura roon.

“Hindi na, may gadgets is almost four (4) years now, kahit nagha-hang ‘yung computer (desk top) ko, hindi ko pinapalitan. ‘Pag pang-regalo lang, bumibili ako,” katwiran ng aktor.

PAGLIPAT NG TIRAHAN AT PAGPAPAKASAL SA EDAD 35

Samantala, ipinare-renovate ni Sam ang bahay niya sa Pasig City at plano niyang tumira sa condo sa The Fort para mas relax siya at malapit sa lahat.

“’Yung bahay ko kasi sa Pasig, malayo at ma-traffic, kung nasa condo ako sa Fort, malapit sa lahat, like sa tapings ko sa South, ‘pag pupunta ako ng Prost (restaurant) o pag may meeting ako, nandoon na lahat sa area, unlike ‘pag Pasig, matagal bago ako makarating.

“Tuwing Sunday lang naman ako nasa ABS-CBN for ‘ASAP’, so most of the time, nasa Makati ako, so perfect ‘yung condo ko,” katwiran ng aktor.

At dahil marrying age na si Sam ay natanong namin kung ano ang plano niya, “ha, ha, ha, wala nga akong girlfriend? It’s been four (4) years now that I don’t have girlfriend.”

Plano ng aktor na ikasal siya sa edad na 35 kaya pinaghahandaan niya ito.

“As of now, wala pa akong nahahanap. Plano ko kapag nagka-girlfriend ako, siguro siya na ‘yung pakakasalan ko,” mabilis na sabi ni Sam.

PAGTIGIL SA PANLILIGAW KAY JESSY

Anong nangyari kay Jessy Mendiola na hininto niya ang panliligaw? “Siguro we’re better off as friends,” kaswal na sagot ng binata.

At habang wala pang girlfriend na pinagkaka-abalahan ngayon si Sam ay nakatuon ang konsentrasyon niya sa negosyo at trabaho.

At heto pa ateng Maricris, kapag walang lakad si Sam, tumutugtog siya sa Prost at kumakanta, “it’s not regular na parang gig, kapag may libreng time lang, tapos maraming nakiki-jamming, ang saya.”

Maging sa Third District coffee shop ay pumupuwesto rin si Sam, “minsan, one way to entertain the customers para bumalik-balik sila, ha, ha, ha” masayang sabi ng aktor.

Impressive naman ang ratings na naitala ng Dyesebel sa pilot week kaya  masayang-masaya si Sam bilang isa sa cast dahil alam niyang malaki ang hirap ng production sa tapings.

“Siyempre, I’m so happy, actually we are all happy for the results, ibig sabihin marami talagang nanonood ng ‘Dyesebel’ maski na pang ilang version na si Anne and still pinanonood pa rin ng mga bata. Actually, pambata talaga ang audience ng ‘Dyesebel’.”

BUNTOT NA JUME-JAKE CUENCA

At dahil topless parati ang aktor at masikip ang suot niyang buntot ay isa ba siya sa sinabihan ni Ai Ai de las Alas na nakakalat ang jun-jun?

“Ha, ha, ha, hindi ko alam, kasi hindi naman bakat ‘yung jun-jun ko, I mean makapal kasi ‘yung silicon ko ng buntot at saka matigas, so hindi ko alam kung bakat,” natawang sagot ng aktor.

Mahirap bang isuot ang costume ng sireno?

“Hindi naman, kasi parang nagsusuot ka lang ng pantalon, pero sobrang masikip as in masikip, jume-Jake Cuenca nga ‘yung pants namin,” natatawang kuwento ng aktor.

Anong ibig sabihin ng jume-Jake Cuenca pants?

“Ha, ha, ha, kasi ‘di ba si Jake Cuenca sobrang sikip magsuot ng pantalon?  Skinny jeans ang tawag, so ganoon ‘yung buntot naming lahat, very skinny, kaya mahirap isuot, pero hindi mahirap ‘pag nag-swimming kasi malambot naman, sobrang sikip lang,” paliwanag mabuti ni Sam.

Kontrolado ang pagkain ni Sam ngayon dahil kailangan niyang i-maintain ang 6 packs niya, “oo, kailangan kasi dapat maintain ang abs, hindi puwedeng may tiyan. Kaya more on fish, veggies and beef din, kasi wala naman epekto sa akin ang beef, I do work-out three times a week for 45 minutes ‘pag may oras sa gym.”

Sa darating na Abril 12 naman ay manonood si Sam kasama ang manager na si Erickson ng laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada at pagkatapos ay diretso sila ng Hawaii para ikampanya ang pamangkin ni Mr Johnny Manahan na si Joey Manahan para sa pagka-kongresista.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *