Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Token Lizares, nakaka-aliw at makabuluhan

ni  Nonie V. Nicasio

ISA ako sa naaliw nang husto sa show ni Ms. Token Lizares titled  My Token of Love na ginanap last Saturday sa Teatrino, Greenhills. Ang gagaling kasi ng mga nag-perform dito, mula sa kantahan hanggang sa pagpapatawa.

Kabilang sa special guests ni Ms. Token sa naturang fund raising show ay sinaRichard Poon, German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, AJ Tamisa & Le Chazz at ang legendary performer na si Ms. Elizabeth Ramsey. Ang musical director nito ay si Butch Miraflor at ang front act na sadya naming hinuli sa billing ay ang katoto sa panulat na si Alex Datu.

Ang beneficiary ng naturang show ay ang Holy Family Home-Bacolod Foundation, Inc. na nagbibigay ng residential care, protection, prevention and rehabilitation para sa mga inabandona, pinabayaan, at mga ulilang batang babae.

First time kumanta ng live si Kuya Germs ayon kay katotong John Fontanilla at ginawa ito ng nag-iisang Master Showman alang-alang sa makabuluhang proyektong ito kahit puyat si Kuya Germs sa Walang Tulugan taping. Siyempre pa, wala nang question ang galing ng dalawang talent ni Jobert Sucaldito na sina Prima Diva Billy at ang kilabot ng kolehiyala na si Michael. Well applauded ang performance ng dalawang ito that night.

Isa pang naaliw ako nang todo ay kina AJ & Le Chazz, first time ko napanood ang dalawang ito at ang galing-galing pala nila.

Of course, ang star of the night ay si Ms. Token na very powerful ang voice at sana ay dalawang kanta man lang ang naging duet nila ni Richard Poon.Nalaman namin na very talented din pala ang tinaguriang Charity Diva dahil bukod sa magaling na singer, composer rin siya. Ginawan niya ng kanta sinaEva Eugenio (Bakit May Ulap Ang Landas) at Pops Fernandez (What Makes Me Love You). Plus, na-nominate rin siya sa Aliw Award as Best New Female Artist noong 2003. Dalawang album na rin ang nagawa niya, ang Ikaw Lamang Sinta at ang A Token Of Love. Kaya nakakabilib talaga si Ms. Token.

Special mention sa show si Ms. Elizabeth na nalaman namin that night na 83 years old na pala. Pero ang galing pa rin niyang kumanta at yung kanyang trademark na sayaw at komedya ay nandoon pa rin at nagpapaligaya pa rin ng manonood. May bagong album daw si Ms. Ramsey at sana ay tangkilikin ito ng madla.

Alex Datu, Medley King!

HABANG nanonood kami ni katotong Morly Alinio ng concert ni Ms. Token Lizares sa Teatrino ay ‘pinagtsitsismisan’ namin si Alex. Sabi kasi ni Morly, nahasa na si Alex sa mga show dahil madalas siyang sumasabak na rin sa mga concerts lalo na lately.

Pasado si Alex sa kanyang performance last Friday bilang front act ng My Token of Love. Kaya kumbaga, puwede-puwede na talaga siyang humataw nang husto sa kantahan at mga live shows.

Nang naka-usap nga namin si Alex pagkatapos ng number niya, sinabi kong dapat siyang tawaging Medley King dahil madlas kapag naririnig ko siyang nagpe-perform ay pulos medley ang kinakanta niya. Nangiti lang si Alex at sinabing, puwede rin siyang tawaging Fron Act King dahil madalas siyang mag-front act sa iba’t ibang shows.

Balita ko nga, noong last show ni Tyrone Oneza ay impromtu siyang naging front act sa show nito sa Harrison Plaza.

Anyway, nabanggit din sa amin ni Alex na may kumukuha raw sa kanya bilang front act ulit sa concert ng isang kilalang singer. Kaya natutuiwa naman si Alex sa kanyang second career, dahil ang unang career niya talaga ay ang pagiging entertainment columnist.

Good luck sa iyo Alex!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …