Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winwyn, ayaw nang paligawan si Alma

ni  ROLDAN CASTRO

HAPPY si Winwyn Marquez  sa pag-amin ni Alma Moreno  na hiwalay na siya kay Marawi City Mayor Sultan Fahad ”Pre” Salic.

“Opo, buti naman inamin na niya,” pahayag ni Winwyn.

“Kasi kahit sa amin hindi niya maamin, eh. Kumbaga hindi niya sinasabi talaga kung ano.Noong ininterbyu siya sa ‘StarTalk’ nandoon ako, kasama ko siya, roon ko lang narinig ‘yung side niya actually,”dagdag pa ni Winwyn.

Dati kasi ay nakakaramdam na sila at nagtatanong  kung ‘Nasaan na siya? Anong nangyari?’

“Pero si Mama kasi gusto niya laging, ‘Huwag na nating pag-usapan ‘yan, masaya na ako.Kaya hindi ko na siya pinu-push eh, ayaw na niyang ma-stress,” sey pa niya.

Mas okay na  raw na open si Alma lalo’t  masaya na siya sa ginagawa niya, wala na siyang itinatagong secret sa loob niya.

Umiyak ba si Alma sa kanya ?

“Hindi. Si Mama kasi ayaw niyang ipakita ‘yung weakness niya sa mga anak niya, eh. Ayaw niya talaga, eh. Pero makikita mo sa mukha niya na malungkot naman talaga siya. ‘Di ba ang dami ng break-ups ni Mama, ang dami ng nangyari pero she’s happy na noong sinabi niya sa ‘StarTalk’, lahat kami kompleto. We were there for her. And alam mo ‘yun, suporta na lang sa mama ko.”

Kahit ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez ay sumuporta kay Ness. Para raw silang mag-bestfriend. Kumbaga, nandoon pa rin ‘yung connection ng dalawa.

Gusto ba ni Winwyn na magkabalikan ang parents niya?

“Oo naman! Sino ba namang anak na ayaw magkabalikan  ang parents nila. Pero kung wala na siguro hindi na siguro, eh. Sana, pero ngayon kung happy naman sila sa life nila, ‘di ba?” bulalas pa niya.

Ayaw rin ni Winwyn na may manligaw na iba pa kay Alma.

“Sinabihan ko na siya, sabi ko, ‘Ma, tama na muna. Maging masaya ka na muna na ikaw at kami muna. Huwag ka na munang mag-dwell sa ganyan. Ikaw lang ang mai-stress’. Same with daddy, sinabi ko sa kanya na, ‘Huwag kang mag-aasawa, kami na lang muna ang i-prioritize nyo,’ ganyan.And okay naman sa kanila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …