Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usapang pagtatapos sa Gandang Ricky Reyes

ANG buwan ng Marso’y pinakahihintay ng mga mag-aaral na magtatapos sa elementarya, high school, at kolehiyo.

Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) dahil tatlong magagandang kuwento ng mga estudyante ang itatampok.

Hindi naging hadlang sa magkasintahang pipi at bingi para matupad ang kanilang pangarap na makatapos ng kurso at makapagtrabaho.  Nagtulungan at naging inspirasyon ng dalawang may kapansanan ang isa’t isa tungo sa tagumpay.

Kahanga-hanga naman ang henyong si Miggy Portuguez.  Walang nakatalo sa 12 taong gulang na henyo maging kaedad niya at kagrado  o mga mag-aaral sa mas matataas na antas basta sa larangan ng Mathematics at Science.

May tip pa ang GRR TNT kung anong regalo ang dapat ibigay sa mga magtatapos. Mura lang ang halaga, maganda at eco-friendly ang mga ito.  Bongga!

Ituturo rin ni Mader Ricky Reyes ang kainan kung saan  puwedeng i-blow out at mag-family bonding pagkatapos ng commencement exercises.  ’Di lang ‘yon, tatlong mapapalad na coed ang makatitikim ng Make Over Magic ni Mader ‘di lang sa gradution kungdi pati sa ball.

Lahat ng ito sa GRR TNT prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …