ni Dominic Rea
MAS gugustuhin ni Julia Barretto na magkaroon ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz kaysa laging nakakabit ang pangalan ng kanyang mga Tita Claudineat Gretchen.
Sinabi ng papasikat na young actress ng seryeng Mira Bella na mapapanood na natin simula ngayong March 24 sa Kapamilya Network, na in-time ay magkakaroon din naman siya ng pangalan sa showbiz.
Alam ni Julia ang sistema sa showbiz dahil siya narin mismo ang nagsabing dahan-dahan lang naman ang gusto niyang mangyari sa career at hindi naman siya nagmamadali.
But you know, she’s got the look ng isang totoong mukha ng artista, class at elegante! Kaya naman ang galing sa pag-arte na lang siguro ang kailangan niyang patunayan sa mga nagtitiwala at nagmamahal sa kanya!
‘Yun na!