Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anthony Semerad, wish maka-partner si Jasmine

ni Pilar Mateo

BAGO na nga ang magiging co-hosts ni Congresswoman Lucy Torres Gomez sa muli niyang paghataw sa mga sayawan sa Celebrity Dance Battle sa TV5 na magsisimula ngayong Sabado, March 22.

Nakilala namin ang another half ng Semerad Twins na si Anthony, the other being David. Sila ang mga NCAA heartthrobs na susubukin ngayon ang mundo ng hosting and eventually naman daw eh, baka sumayaw din sila sa ibang special segments ng show.

Si Anthony ang mas bata ng ilang segundo kay David. Na never pa raw naranasan ang sumayaw pero ngayon, siguradong kakailanganin nila ang matuto. Czechoslovakian ang kanyang ama at ang butihing ina niya ay tubo namang Pampanga.

Sa isang modelling stint nila sa ibang bansa nakita ng manager nila ngayong si Arnold Vegafria. At doon na nagsimulang mabago ang ikot ng buhay nila.

Aminado si Anthony na malaking bagay sa kanya na makita ang crush niyang si Jasmine Curtis Smith at ipagdarasal din niya na sana eh, magkasama sila sa isang proyekto.

Samantala, nausisa naman si Lucy kung this time daw ba eh, magkakaroon ng chance na sumyaw na ang mister niyang si Richard Gomez sa programa. Ngayon ay sa TV5  muna ito abala sa pagsasamahan nilang programa ni Megastar Sharon Cuneta.

“Dalawa lang naman ang kinatatakutan ni Richard, ipis at saka sayaw. May time naman in the past na nagsayaw siya.. Pero as a contender, I wouldn’t know. Sabi ko lang sa kanya, he just has to face his fear. Marunong naman siyang mag-swing. Pero ‘yung iba na, hindi niya pa gamay. If you can talk, you can sing. If you can walk, you can dance.”

Ang unang batch ng celebrities na magkalaban-laban sa dance floor at huhusgahan naman nina EdnaLedesma, G Tongi,  Douglas Nierras, at America’s Next Top Model runner-up na si Allison Harvard ay sina Gary ‘El Granada’ David ng PBA, Valerie Concepcion, Priscilla Meirelles, at Kevin Balot.

May sumuko nga ba sa apat habang naghahanda para sa kanilang big performance?

Abangan!

Vivieka Ravanes, gaganap bilang si Osang sa MMK

NGAYONG Sabado (March 22) rin mapapanood sa ABS-CBN ang pagsisiwalat ng unang grand winner ng X-Factor Israel  sa kanyang life story na ang goal eh, para lalo pang makapagbigay inspirasyon sa mga manonood, sa MMK” (Maalaala Mo Kaya).

Hindi lang kasi sa kanyang life story nakatuon ang pansin ng  istorya eh, naging tagahanga ni Rose ”Osang” Fostanes. Kundi sa kanya ring makulay na love life dahil sa special someone niyang si Mel.

Si Viveika Ravanes na napapanood natin sa papel niya bilang si Isabel sa Be Careful with my Heart ang bida sa nasabing episode ng MMK..

Ang nasabing kaabang-abang na istorya eh, mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz makakasama ni Viveika sina Irma Adlawan, John Arcilla, Shey Bustamante, Nina Dolino, at Ms. Tina Paner.

Ano-ano ang mga pahirap sa buhay  na sinuong ni Osang nang magdesisyon siyang maging isang OFW? At bakit, kahit na alam na niya noon pa na ang talento niya sa pagkanta ang siya sanang magiging stepping stone para sa mas maalwang mabuhay eh, bakit ba siya nawalan ng loob kahit pa sangkaterbang pananalo na rin ang nae—enjoy niya noon sa kanyang mga sinasabi  kontes?

Ramdamin ang naging buhay ng nag-akalang isa na siyang talunan sa buhay niya ngayon, nalasap naman ang sobrang bigat ng kung paano ang managumpay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …