Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique, type ni Kris?! (Kuya Boy, ‘di kinaya ang pag-aaya ng inuman ni Tetay)

ni  Roldan Castro

KAHIT  si Boy Abunda ay nagulat sa pagbibiro ni Kris Aquino sa leading man ng Mirabella na si Enrique Gil na maglasingan sila lalo’t hindi naman iyon umiinom.

Ang topic nila sa Aquino & Abunda Tonight ay tungkol sa pagiging pantasya niya sa mga babae, matrona, at bading dahil sa tindi ng sex appeal. Flattered si Quen (tawag kay Enrique) pero naiilang din siya.

Biglang pinasok ni Kris ang ‘lasingan tayo tonight’ nang sumagot si Enrique kay Kuya Boy na wala pa siyang natatanggap na indecent proposal.

Bongga ang pasok ni Kris sa pagbibiro niya lalo’t idinagdag pa niya ang linyang ‘pag ganyang hitsu why not?’

Hindi kinaya ni Kuya Boy ang lasingan joke ni Kris pero havey si Enrique dahil galing ang birong ‘yan sa ‘First Sister, ’no?!

Mas magkakainteres tuloy ang televiewers kay Enrique na muling mapapanood sa March 24 sa bagong serye na Mirabella na katambal si Julia Barretto.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …