Saturday , November 23 2024

Ogie Alcasid, inamin ang pagiging torpe sa babae

ni Nonie V. Nicasio

MAY bagong katatawanang handog ang Kapatid Network sa pamamagitan ngConfessions of a Torpe.  Simula sa Lunes, March 3, mapapanood na sa TV5 ang bagong misadventures ng isang torpe sa katauhan ni Tupe na gagampa-nan ni Ogie Alcasid.

Ang tawa-seryeng ito bale ang papalit sa mababakanteng timeslot ng Madam Chairman ni Sharon Cuneta na magtatapos ngayong Biyernes, February 28.

Bukod kay Ogie, bida rin dito si Alice Dixson. Gagampanan ni Ogie ang karakter ni Christopher “Tupe” Catacutan na umibig noon kay Monique Salcedo, ang karakter naman ni Alice.

Paano nga ba babaguhin ng kasalukuyang panahon at sa mga nakapalibot na personalidad ang pagiging torpe ng isang 40-year-old single and available na si Tupe? Iyan ang matutunghayan sa bagong seryeng ito ng Singko.

“I played Tupe, Christopher, nanay ko si Bibeth Orteza, mama’s boy ako… Masyado akong sheltered dito e, kaya ang approach ko sa crush na si Alice, laging palpak.

“Mula noong bata hanggang sa pagtanda ko, takot akong manligaw, takot ako sa babae,” esplika ng singer/comedian.

Sinabi pa ni Ogie na sa totoong buhay ay torpe talaga siya sa babae. “I’m always torpe, I’m horribly shy,” nakatawang saad niya.

Optimistic si Ogie sa bagong show nilang ito. “Matatawa kayo, maiiyak kayo, kikiligin kayo at siguradong magugustuhan ninyo ito. It’s funny, it’s cute, I love the casts.”

Nakatakdang ipalabas ang Confessions of a Torpe  nga-yong Lunes, 7:30 p.m. Kasama rin sa cast ng sina Gelli de Belen, Wendell Ramos, Albie Casiño,Shaira Mae, Mark Neumann, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, at iba pa.

Jun Lana’s  Mga Kuwentong Barbero, nominado  sa 3rd Madrid  International  Film Festival

NAKATANGGAP ng apat na nominasyon ang pelikulang Barber’s Tales (Mga Kuwentong Barbero) sa 3rd Madrid International Film Festival sa Spain na gaganapin sa Hulyo ng taong ito.

Nominado ang pelikula para sa kategoryang Best Foreign Language Film, samantalang ang writer-director nitong si Jun Lana ay nominado naman bilang Best Director in a Foreign Language Feature Film.

Ang bida ritong si Eugene Domingo ay pasok din sa kategoryang Best Lead Actress in a Foreign Film. Samantalanmg ang indie-producer namang siFerdinand Lapuz ay nominado para sa Best Feature Film producer.

Ang pelikulang ito ay nanalo ng apat na award sa Hong Kong Asia Film Financing Forum noong isang taon. Ito ay pinrodyus nina Tony Tuviera ng APT Entertainment at ng Octobertrain Films nina Direk Perci Intalan at Direk Jun.

Kabilang din sa cast ng pelikulang ito sina Eddie Garcia, Iza Calzado, Gladys Reyes, Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, Sue Prado, Daniel Fernando, Nicco Manalo, Jess Mendoza, and with the special participation of Ms. Nora Aunor.

Ginagampanan dito ni Eugene ang papel na isang biyuda ng barbero na tumutulong sa mga rebelde.

Sa panayam kay Direk Perci, pahapyaw niyang inilarawan ang pelikulang ito ni Uge. “It’s set in 1975, during Martial Law era. It’s about a woman’s awakening and empowerment niya.”

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *