Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Yael at Karylle, no media coverage

ni Reggee Bonoan

ILANG linggo na lang at ikakasal na sina Yael Yuzon at Karylle Tatlonghari at ayon sa source namin ay no media coverage ang drama sa nasabing kasalan.

Desisyon daw ng future husband and wife na hindi nila ibebenta o pakukunan ang kasal sa anumang TV network dahil gusto nila ay pribado ang kanilang pag-iisandibdib.

“May official photographer sila at mamimili sina K at Yael kung ano ang ipamimigay nila sa press. Gusto kasi nila private at saka maliit lang ‘yung place ng pagkakasalan at puro friends at members of family lang ang imbitado. Actually, limited siya,” kuwento sa amin ng aming source.

Sabi namin ay igagalang namin ang desisyon nina Yael at Karylle dahil importanteng araw nila ito. Kaya lang, mas maganda rin sana kung mapapanood ito sa telebisyon para na rin sa supporters na gustong masaksihan ang pag-iisandibdib nila.

Samantala, hindi lang nasagot ng aming source kung tuloy pa rin ang alok ng mga ikakasal kay Vice Ganda na magkaroon siya ng mahalagang papel sa kasal since nagka-ayos na silang tatlo.

“Umalis kasi si Vice, so baka hindi mapaghandaan,” say sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …