HINDI nagkabisala ang hinuha ng marami na ‘pakawala’ ng mga kalaban ni Vhong Navarro ang isa pang babae na umano’y biktima ng panggagahasa ng TV/host actor.
Sa imbestigasyon ng Buzz ng Bayan, kinapanayam ng King of Talk Boy Abunda, ang manager ng Astoria Plaza hotel sa Pasig, na ayon sa sinumpaang salaysay ni Roxanne Acosta Cabañero, doon sila tumuloy bilang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines 2010.
At naganap ang pagka-rape sa kanya ng komedyante, Abril 24, 2010, na taliwas sa mga salaysay ni Vice Ganda, nagsabing isa sa kanyang mga guest si Vhong sa kanyang concert sa Island Cove and Leisure Park, Cawit, Cavite sa nasabi ring petsa.
Ito na kaya ang sinasabi ni Atty. Alma Mallonga kay Roxanne na you are under oath kapag nag-file ka ng reklamo sa piskalya. At haharapin mo ang mga consequences sakaling ikaw ay nagsisinungaling.
Sa totoo, ako ay tutol sa karahasan laban sa mga kababaihan partikulart ang pagsasamantala sa kanilang kahinaan.
Pero kung ang isang babae ay magpapagamit para sa interes ng grupo ng mga maiitim na budhing nilalang para sirain at gawan ng kasalanan ang kanyang kapwa, hindi nila tayo kapanalig.
Hindi natin sinasabing walang bahid-kasalanan si Vhong Navarro, dahil naniniwala tayong meron siyang sariling kahinaan.
Dahil kung hindi siya nakisangkot kay Deniece Cornejo, wala sanang ganitong problema na kanyang kinakaharap sa ngayon.
Hindi simpleng pananakit lang ang ginawa sa kanya ng mga suspek na kinabibilangan ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo, mahalagang makamtan ng aktor/TV host ang katarungan. Period!
Vhong, ang mga taga-Malibay, sampu ng mga taga-Pasay at ang mayorya ng mga Pinoy, ay naniniwalang wala kang kasalanan.
MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ INSTANT SUPERSTAR!
Instant superstar si Michael Francis Martinez, ang lone Pinoy figure skater na pumasok sa men’s figure skating competition sa Winter Olympics sa Sochi, Russia (nasa 19th place overall), nang dumating siya sa bansa nitong Linggo.
Bakas sa kanyang mukha ang nag-uumapaw na kaligayahan sanhi ng karangalang kanyang dala-dala dahil siya ang kaunahang nakapasok sa nasabing paligasahan mula sa Southeast Asia.
‘Di magkamayaw ang pagbubunyi ng ating mga kababayan na sumalubong sa kanya sa NAIA terminal 1.
Bago pa umuwi ng bansa si Martinez, nagpahayag na ang business mogul Manny Pangilinan, na magbibigay siya ng US$10,000 bilang incentive sa Pinoy ice skater.
Mabuhay ka Michael Christian Martinez! Dangal ka ng lahing Pinoy!
MARK HERRAS, ‘DEAD NA’!?
Sa pag-amin ni Mark Herras na meron na siyang anak out of wedlock, courtesy ng kanyang handler who’s five-years older than him, tinapos na rin niya ang kanyang nor here nor there acting career.
Since isang non-showbiz entity ang kanyang binuntis habang karelasyon niya ang anak nina Boy Asistio at Nadia Montenegro, si Ynna Asistio, ipinakilala lang niya ang kanyang pagiging unfaithful sa kanyang kasintahan of more than three years.
Walang magagawa ang mga pinahayag na suporta kuno ng kanyang co-actors sa Kapuso network, dahil hindi naman sila sasama sa pagdausdos ng career ng minsa’y tinawag na ‘Badboy ng Dance Floor’ dahil hindi kelanman nag-idolo ang Pinoy fans sa lalaking may pananagutan na bukod pa sa pagiging talusira nito.
Isa pa, sa tinagaltagal ni Herras sa celluloid world, wala siyang maaaring maipagmalaking accomplishment bilang artista, dahil nanatili siyang love team ng isang pang ham actor na nakalimutan ko na ang pangalan.
***
Nakikiramay kami sa mga inulila ni Emily ‘Baby’ Rivera ng Paete, Laguna, na sumakabilang buhay nitong Biyernes, Pebrero 21. Si Emily ang tanging kapatid ni katotong Frank G. Rivera, mandudula, makata, propesor, awtor, direktor, aktor at iba pa. Sabi nga, ang kamatayan ay KALAYAAN! Mabuhay ka Emily!
Art T. Tapalla