ni Maricris Valdez Nicasio
PATULOY na magbibigay ng impomasyong makatutulong sa bayan at kabuhayan ang News5, at ito ay sa pamamagitan ng kanilang bagong programa, ang Yaman ng Bayan, isang documentary series na magtatampok sa natural resources ng ating bayan and gayundin sa kung paano natin ito mapakikinabangan.
Itatampok sa Yaman ng Bayan, ang Yamang Lupa, Yamang Tubig, at Tamang Tao na patungkol sa ating mga minerals, beaches, mountains, flora at fauna, marine life, culture, world-class Filipinos’ abundance at ang mga nagagandahang lugar na ‘di mo aakalaing mayroon din sa ‘Pinas.
Sa pamamagitan ng Yaman ng Bayan’s high production values, ibibigay ng News5 ang isang documentaries na nakikita lamang natin sa National Geographic o sa Discovery Channel. Ayon nga kay News5 Head Luchi Cruz-Valdes, “we are trying to differentiate. While [other networks] have News and Public Affairs or News and Current Affairs, we have News and Information, which equips the viewers with knowledge and information [instead] of the usual poverty porn.”
Ang Yaman ng Bayan ay iho-host nina Luchi, Patrick Paez, Paolo Bediones, Erwin Tulfo, Roby Alampay, at Twink Macaraig at mapapanood tuwing Sabado, at 10:15p.m..