Tuesday , December 24 2024

Michael Christian, binigyan ng heroes welcome

Ed de Leon

ISANG heroes welcome ang sumalubong kay Michael Christian Martinez nang dumating siya noong isang araw. Hindi rin kami aware na bumalik na pala siya sa Pilipinas, hanggang sa makasalubong nga lang namin ang motorcade na nakita naming nakasakay pa siya sa isang karosa, habang kumakaway naman sa fans na nanonood sa tabi ng kalye. Naghintuan din ang ibang mga sasakyan at nakikaway na rin sa kaisa-isang Pinoy Winter Olympian sa Sochi, Russia.

Pagkatapos ng motorcade, nagkaroon pa ng pagkakataon ang fans na makita siya sa isang mall. Doon naman ay binigyan pala siya ng karapatan na magamit ang lahat ng kanilang skating facilities habang buhay, bilang parangal sa kanyang naabot na sa larangan ng skating, at dahil sa katotohanang doon siya natuto ng ice skating noong siya ay siyam na taong gulang lamang.

Pero sinasabi ni Michael, ang talagang target niya ay ang2018 Winter Olympics, na naniniwala siyang may maiuuwi na siyang medalya. Sana naman by that time, tulungan naman siya ng gobyerno at hindi ma-snob ng Malacanang tulad ng nangyari sa kanya ngayon.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *