Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mentor at dating manager ni Coco, super proud sa aktor

ni  Pilar Mateo

IF there is one person na talagang makakapag-vouch o makapagsasabi sa tunay na katauhan ng isang Rodel Nacianceno na mas nakilala ng kanyang mga tagahanga bilang Coco Martin, walang iba ‘yun kundi ang taong humubog sa kanya sa mundo ng showbiz, ang artista rin noon na naging manager at ngayon eh, isa ng matagumpay na entrepreneur na si Ihman Esturco.

Matagal na rin sa Amerika ito namamalagi. Pero dahil his roots, gaya ng kapatid niyang si Pinky at iba pa eh, narito sa bansa, kahit na namumuhay na siya ng tahimik sa Arizona, manaka-naka pa rin itong bumabalik sa bansa.

“Ngayon lang ako medyo nagtagal, isang buwan din. Noon kasi, mga two weeks lang talaga. But this time, dahil nga sa business na binuksan namin ni Pinky, itong Wicked Bar, itong punta ko, para na lang i-check kumbaga ‘yung finishing touches. I know, malayo ito sa kabihasnan kung tutuusin pero sa kind of entertainment naman na ihahatid namin sa mga tao, we’re pretty sure na sasadyain ito.”

Nasa Paranaque kasi in Almanza ang Wicked Bar. Nasa entrada lang ito ng pamosong Airforce One.

“Natutuwa naman kami kasi suportado kami ng Airforce One. So, ‘yung customers nila pumupunta rin sa amin after manood ng shows nila or before. Tapos, ‘yun namang mga nagpapalipas ng traffic, dito na muna dumadaan. Kaya, tama lang. May ibapa kaming partners dito. Gaya ng sumisikat na fashion designer na si Kim Gan. Kaya, ang entertainment nga namin, varied. May comedy gaya niyong napanood nyo’ng grupo. May dancers-lalaki at babae. And there will be nights na may fashion show. Walang problema sa mga comic act dahil naka-support din sa amin si Mamu (Andrew de Real) of the Library.”

Ipinatikim pa lang sa amin nina Ihman at Pinky what’s in store with their Wicked Bar at wala raw kialaman ito sa super gandang musical na napapanood ngayon sa CCP.

“Wicked kasi, ‘di ba paminsan-minsan, we want to unleash our naughty side. So, iinom tayo, mag-e-enjoy sa shows we’ll watch, tatawa with friends and family, maraming pwedeng maging dating ang wicked para sa isang tao depende sa mood niya.”

Wicked Bar will have its grand opening tonight, February 26 (Wednesday) with Teri Onor as special guest at marami pang celebrities.

Hope you make time. Bago siya bumalik sa Arizone, Ihman would like to make sure na ayos ang lahat sa business nilang makapatid.

And he might pursue a career in Photography as well. At pagdating pa lang pala niya rito, nadalaw na agad niya ang alagang si Coco sa last shooting day nito sa Dementia with the Superstar.

“Bakit naman hindi ako matutuwa kay Rodel (Coco), ‘yung isang buwan kong stay sa Oakwood, sinagot niya lahat. Kaya nga alam mo na kung pagiging humble, matulungin at marunong pagdating sa pagtanaw ng utang na loob-hindi ka magdadalawang-salita sa kanya, lalo na kung nakasama ka niya sa panahong walang-wala pa siya at struggling pa lang. Siyempre ako ang unang-unang natutuwa sa mga dumarating na magagandang pagkakataon sa kanya. Kungsiya ang tinatawag na lalaking Superstar, siya rin naman ang gumawa sa sarili niya, sumuporta lang kami.”

Kung titingnan mo si Ihman as Coco’s “father”, maganda ang bungang ibinahagi niya sa showbiz industry, hindi lang sa pagiging isang mahusay na aktor kundi sa pagiging isang mahusay na tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …