Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, dalawang linggong mawawala sa Showtime

ni John Fontanilla

BOUND to USA sa February 26 ang beauty ni Vice Ganda para sa malawakang show niya, ang  I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa America, The US Tour. Kaya naman two weeks mawawala si Vice sa It’s Showtime.

Magsisimula ang konsiyerto sa James Logan High School (Union City, Ca­lifornia) sa February 28; Los Angeles Theatre, (Los Angeles, California) sa March 1; at Pechanga Resorts & Casino (Temecula, California sa March 8 and 9.

Ayon sa sikat na singer/actor/comedian sa ibinigay nitong Thanksgiving party para sa mga press na okey na sila ni Karylle pero hindi 100% okey, kaya naman daw wala itong balak na dumalo sa kasal ng singer/actress.

“We’re okay. Pero huwag na lang munang ipilit kasi mahahalata,” sabi ni Vice. “’Yung loveteam-loveteam, ‘yun ang huwag ipilit kasi naman, baklang-bakl­a ako, tapos may Karylle. Pero we work as a team pa rin.

“ Pero hindi ko alam kung a-attend ako (kasal) kasi mahirap naman na hindi naman kami super okey pa, pero nandoon ako ‘di ba, pero I wish them luck.” pagtatapos ni Vice.

Kristoffer Martin, dapat tularan ng ibang kabataang artista!

NAKABIBILIB ang dedikasyon sa trabaho at sa pag-aaral ng mahusay na tweenstar ng GMA 7 na si Kristoffer Martin dahil kahit nga three times a week ang taping ng kanyang shows ay hindi pinababayaan ang pag aaral sa San Beda College.

Pursigidong makatapos ng apat na taong kurso si Kristoffer kaya naman  kahit puyat at pagod sa trabaho ay pinipilit niyang makapasok sa school. Tsika nga nito na tamang pagma-manage lang naman ng oras ang kailangan para mapagsabay ang mga bagay na gusto niyang gawin.

Happy nga ito na napagsasabay niya ang pag-aartista at pag-aaral.

Tween Star, may sariling negosyo sa Boracay

BOUND to Boracay ngayong weekend ang Tween Star na si Teejay Marquez para sa opening ng kanyang negosyo, ang Ace Buko Time.

Maaalalang isa si Teejay sa image model ng nasabing produkto at dahil nga gusto nitong pasukin na rin ang pagne-negosyo ay naisipan niyang magkaroon ng sariling store lalo na ngayong mas magiging in ito dahil na rin sa pagpasok ng buwan ng tag-init.

Bukod daw sa branch nito sa Boracay ay iniisip pa ni Teejay na magkaroon din ng branch sa Quezon City. Dito raw kasi ilalagay ni Teejay ang kanyang kinita sa pag-aartista at pagiging mabentang commercial, print ad, at image model ng iba‘t ibang produkto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …