Friday , November 15 2024

Sa Vhong versus Deniece, pagalingan na lang ng abogado

ni Ronnie Carrasco III

KUNG sa panunuyo sa isang babaeng pinag-aagawan ng mga lalaki ay may pustahang, “May the best man win,” sa kasong kinakaharap naman nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, Cedric Lee et all—as far as their respective legal counsels are concerned—it may be politically correct to say, “May the best lawyer win.”

Sa aminin man kasi natin o hindi, nasa kamay ng abogado—mapa-prosecution o defense—nakasalalay ang kahihinatnan ng anumang kaso, sibil man o kriminal. Although sa bandang huli, mananaig pa rin ang desisyon ng judge.

Sa ngayon, nasa preliminary investigation stage pa rin ang Vhong versus Deniece et al case whose camps have already filed their  respective affidavits of complaints sa isa’t isa. This being so, nasa proper courts of law na ang usapin with their respective lawyers to their clients’ rescue.

Kung bilangan ng mga abogado ang pag-uusapan, Vhong has Atty. Alma Mallonga. Kinabog ang aktor ng mga legal representatives nina Deniece at Cedric na mayroong Atty. Howard Calleja, Atty. Raymond Fortun, at Atty. Arleo Magtibay.

However, parang Twelve Days of Christmas lang ang peg ni Fortun who resigned as Cedric’s lawyer 12 days after his legal services were engaged.

Sayang, kulang na lang ilaban nang pitpitan ng yagbols ni Fortun ang aniya’y wala naman daw kamali-malisyang paghalik ni Cedric kay Deniece inside the elevator of Forbeswood Heights condo hours after Vhong was mauled to a pulp by a group of men.

Consequently, umani ng sandamakmak na batikos sa social media ang katwiran ni Fortun, even dragging his wife as if naman his reference sa kanilang ka-sweet-an bilang mag-asawa had any bearing on the case that he took on with so much conviction na maipapanalo niya ito.

Ang ending: nagbitiw si Fortun bilang abogado ni Cedric.

At para bigyang-katwiran ang kanyang pagtalikod sa kaso, sinisisi ni Fortun ang aniya’y “inaccurate reportage and unprofessional actions of certain law enforcement agencies.”

Mabuti pa ang inilalakong mani sa mga namumulutang tomador, binibili ito. Pero malinaw naman na ginamit na lang ni Fortun na palusot ang mga ‘yon, dahil mismong ang konsensiya na niya marahil ang nagsasabing huwag na niyang ituwid ang mali.

Tumalima kaya si Fortun sa sinabi ni Mallonga, na oo nga’t trabaho nilang kumatawan bilang abogado ng kanilang mga kliyente pero dapat manaig pa rin ang kanilang ethical responsibilities?

Simply put, huwag gumawa ng kuwentong alam naman nila sa kanilang mga sarili ay kathang-isip lang?

About hataw tabloid

Check Also

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *