Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Panget, naka-12M read na simula nang ma-publish

ni  Reggee Bonoan

ANG bongga ng sumulat ng librong Diary ng Panget na umabot sa 12million read simula nang ma-publish ito sa online noong 2011-2012 dahil gagawin itong pelikula ng Viva Filmsna pagbibidahan nina Andre Paras,Nadine Lustre, James Reid, at YassiPressman na ididirehe naman ni Andoy Ranay.

Ang Diary ng Panget ay base sa personal experience ng nagsulat dahil dito lang niya nailalabas ang saloobin niya tungkol sa lalaking gustong-gusto niya na hindi naman siya pinapansin kasi nga panget daw siya kompara sa babaeng gusto ng crush niya.

Si Yassi ang love interest ng lalaking (James) gusto ng bidang si Eya (Nadine) na may-ari ng diary pero ang gusto naman ay si Andre.

Si Yassi ang ipinakikilala sa apat na cast dahil siya ang bida sa pelikulang Kaleidoscope na entry sa nakaraang2013 Metro Manila Film Festival kasama ang ex-boyfriend niyang si Sef Cayadona.

Hindi yata maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil base sa kuwento ni Yassi ay ayaw na muna niyang magkaroon ng boyfriend ngayon.

“I don’t wanna dating again,” ito ang katwiran ng baguhang aktres.

Inamin naman ni Yassi na na-trauma siya sa una niyang boyfriend, “Maybe! Pero ang desisyon talaga ay ayoko na muna.”

Kaya natanong kung bad break-up ba ang nangyari sa kanila ni Sef.

“It’s something that I don’t wanna go through again,” mabilis na sagot ni Yassi.

Aminadong iniyakan ni Yassi ang paghihiwalay nila ni Sef, pero noong nakaraang taon pa raw iyon at moving on na siya ngayon kaya nakatatawa na siya ngayon, “I’m fine, I’m super happy right now, super happy with Viva’s taking care of me, masaya ako with everyone around me.”

As of now ay okay na raw sina Yassi at Sef dahil magkasama raw sila sa trabaho, “Hi and hello po kami, okay naman kami, we’re civil, we’re all together, we have the same barkada.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …