Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Confessions of A Torpe, iba ang brand ng comedy kompara sa Madam Chairman

ni  Reggee Bonoan

HOPING ang executive producer ngConfessions of A Torpe na si OmarSortijas na maibabalik ng bagong programa ni Ogie Alcasid ang pagkahumaling ng mga mahihilig sa comedy.

“‘Di ba ang Pinoy, ang hilig-hilig sa comedy, so we’re hoping to bring that back, so kapag bumalik itong viewers na actively supporting comedies, puwedeng bumalik.  At saka masaya talaga ang show.

“Iba naman ‘yung brand ng comedy ni Ogie at niyong  grupo (ibang cast), masaya ‘yung grupo, magaan nga kapag nagte-taping kami. Naniniwala ako na ‘yung produkto namin ay magugustuhan naman ng tao. Tapos, we have the right casting, nandiyan si Ogie, si Gelli (de Belen), si Bayani (Agbayani), si Jojo (Alejar), si Wendell (Ramos), si Alice (Dixson).”

Eh, bakit ang Madam Chairman niSharon Cuneta ay comedy din pero bakit hindi gaanong pinanonood ng mahihilig sa komedi?

“Ay hindi ko po alam.  I can speak for this group (Ogie at iba pa) at ang sinabi ko kay  Ms Joanne (Banaga, business unit head), makikita mo ang magandang samahan ng grupo kasi like sina Wendell at Gelli, parehong galing ng ‘Bubble Gang’, so alam na nila ang gagawin nila, at lahat halos ng kasama ay komedyante ang forte nila at lahat sila may baon, so ‘yun ang strength ng ‘Confessions of A Torpe’,”mabilis na sagot sa amin ni Omar.

Masaya ang grupo ng Confessions of A Torpe dahil panay ang trending nila sa social media at mapapanood na sa Marso 3 na makakatapat muna ayHonesto at Got To Believe at sa Marso 10 naman ang Ikaw Lamang.

Bukod kina Ogie, Wendell, Jojo, Gelli, Bayani, at Alice ay kasama rin sinaBibeth Orteza, Albie Casino, Shaira Mae, Mark Neumann, at Ms Pilita Corrales mula sa direksiyon ni SoxyTopacio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …