Monday , December 23 2024

Charee Pineda umatras sa pelikula ni Direk Joel Lamangan (Pinaghuhubad raw kasi!)

 ni  Peter Ledesma

GALIT ang chakang line producer na si Dennis Evangelista dahil umatras sa bagong pelikula ng alaga niyang si Allen Dizon si Charee Pineda. Bakit raw kasi nag-attend pa ng storycon si Charee ‘yun pala magba-back out lang sa film na ang director ay ang de-kalibreng si Joel Lamangan. Gaganap kasi ang actress sa isa sa tatlong asawa ni Allen at sa lahat siya ang agresibo kaya required talaga sa eksena na maghubad siya. Kaso, biglang naisip ni Charee na isa na nga pala siyang public servant na sa kasalukuyan ay Councilor siya sa ng lugar nila sa Valenzuela City. E, kakapanalo lang niya, so hindi naman masamang protektohan niya ang kanyang sarili ‘di ba? Ang sabi ay si Jackie Rice raw ang kinukuhang kapalit ng nasabing actress-politician. Well, walang problema sa Kapuso actress dahil kilala naman siya na sexy ang images. Pero ang masaklap ay laging flop sa takilya ang pelikula ni Allen Dizon.

Sana this time huwag naman gyud!

FULL TRAILER NG “IKAW LAMANG” NINA KIM CHIU AT COCO MARTIN, INABANGAN NANG MILYON MILYONG TELEVIEWERS

Tulad ng kanilang tag na Master Drama Series ang Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu. Last Friday, nang ipalabas nila ang full trailer ng nasabing teleserye ay pinatunayan ng Dreamscape ni Sir Deo Endrinal at ng ABS-CBN, na isa nga itong masterpiece at obyus na ginastusan talaga ang latest project ng Prinsesa at Hari (Kim at Coco) ng teleserye sa Kapamilya network. Walang tapon ang mga eksena, magmula sa nakakikilabot na pagsunog sa tubuhan at ang madramang tagpo nina Zaijan Jaranilla (batang Coco) at Cherry Pie Picache na gumaganap na mag-ina sa serye, ang pang-aapi sa mag-iina ang makapangyarihan na pamilya Salvacion na kinabibilangan nina Cherie Gil at John Estrada. Kahit ang mga childstar ng ABS-CBN na part ng show na sina Alyana Angeles na gumaganap na batang Kim (Isabelle), batang Julia Montes (Mona) na si Xyriel Manabat at young Jake Cuenca (Franco) na si Louise Abuel, pawang magagaling ang performance. Lahat ng mapapanood niyo ay puro big scenes.

Kaya lahat ng tutok sa “Ikaw Lamang” gabi-gabi sa Primetime Bida na magsisimula na sa March 10 ay tiyak na hindi bibitaw sa ganda at mala-pelikulang serye. Magmula sa back story scenes hanggang sa transition ay impressive. Ang make-up at wardrobe ng mga artista especially Kim, na old fashion o 60’s ang costume ay talagang bumagay sa Prinsesa ng Teleserye. Si Coco, ay muli na namang nagpamalas ng galing at husay sa ibang atake ng pag-arte.

Kahit saang anggulo tingnan ay guwapo ang Hari ng Teleserye. Mas lalo naman tumingkad ang pagiging actress ni Kim rito. Siyempre hindi rin matatawaran ang husay sa serye ng batikang actors na sina Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, Ronnie Lazaro at mga actress na sina Daria Ramirez at Angel Aquino. Maging ang kumanta ng theme song na si Gary Valenciano ay ramdam na nanggagaling sa puso ang pag-awit ng official themesong ng serye na Ikaw Lamang. Halos lahat naman ng teleserye na gawa ng Dreamscape ay kay Gary V nakatoka ang themesong at sobrang flattered ang singer sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment Television. Umabot nang milyon ang mga nanonood ng full trailer ng Ikaw Lamang mula sa mahusay na direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Super winner naman talaga ito gyud!

BARANGAY SA LINGAYEN PANGASINAN, GRAND WINNER SA “BARANGAY BAYANIHAN” FOR JANUARY SA EAT BULAGA

Lahat ng Barangay na pasok sa Top 7 para sa Barangay Bayanihan para sa buwan ng Enero ay pawang deserving. Pero siyempre meron talagang isang barangay na angat sa panlasa ng EB Dabarkads especially Bossing Vic Sotto. Kaya naman among 7 Barangays ay ang isang barangay sa Lingayen, Pangasinan ang napiling Grand Winner for the month of January. Siyempre very proud ang lahat ng mga residente sa lugar lalong-lalo na ang Brgy. Chairman nila na si Eldo Cruz. Tulad ng mga nauna at mga nanalo na ay nasorpresa ang nanalong barangay sa mga regalong ibinigay sa kanila ng Eat Bulaga para sa kanilang Livelihood Program na mapapakinabangan ng mga constituent rito. Ilan sa ipinagkaloob ng Bulaga ay mga kagamitan para sa paggawa ng Tapa, Tocino at Longanisa. Hindi lang ‘yan niregaluhan rin sila ng programa ng Rescue Equipment tulad ng Rubberboat, Mega Phone, Life Jacket at Flashlight. Kahit na hindi pinalad ang anim na barangay na kinabibilangan ng Brgy. Calumpang, Marikina City; Brgy. West Tapinoc, Olongapo City; Brgy. Cutud, Angeles, Pampanga; Brgy. Sambal Ibaba, Lemery, Batangas; Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna at Brgy. Poblacion 11 sa Ternate Cavite, malaking karangalan pa rin kanila na mapasama sa Top 7. Ibig sabihin maganda at maayos ang kani-kanilang mga lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *