Friday , November 15 2024

Direk Vince Tañada, nasaksak sa ulo ni Ronnie Liang!

Nonie V. Nicasio

NASAKSAK si Direk Vince Tañada ni Ronnie Liang habang nagsu-shooting ng pelikulang Esoterica Manila ng Film Development Council of the Philippinesat T-Rex Entertainment, mula sa direksyon ni Elwood Perez.

Naka-chat ko sa Direk Vince last Monday at nabanggit niya na parte lang talaga ng trabaho nila ang mga ganitong insidente.

“Oo, grabe, nagdugo ang ulo ko. Sugat lang naman, mabuti at hindi malalim.

Pero okay naman ako, I was hurt but the shoot must go on. Derek Elwood was also worried and asked me if it’s okay with me to continue with the shoot,” pahayag ng kilalang stage actor/playwright/director.

“Of course I said yes. I don’t want to be the reason for the delay. We finished the shoot that evening. Mabuti na lang, the wound didn’t need stit-ches.

“Actually the following  day, I had to go to Tuguegarao for a series of shows. Pero okay lang, malayo naman sa bituka,” nakatawang dagdag  ni Direk Vince.

Inusisa rin namin siya kung ano’ng eksena ang kinukunan nang nangyari ang aksidente. “Bale, magkalaban kasi kami ni Ronnie, suntukan at saka saksakan scene iyon e. Kumpleto naman kami, mayroong stunt director. Kaya lang, aksidente talaga iyon e.”

So, mula sa pelikula niyang Otso, ibang genre na naman ba itong Esoterica Manila?

“Lahat na yata ng genre nandito sa pelikulang ito. And iyon talaga ang gusto ko, ‘yung may kaunting action, kaya nga ako nag-e-enjoy sa Bonifacio,” wika pa ng top honcho ng Philippine Stagers Foundation patungkol sa very successful nilang stage play na Bonifacio, Isang Zarzuela.

Ang tema daw ng pelikula ay may pagka-LGBT (Lesbian Gay Bisexual Transgender), ano ang target audience nito?

“Medyo malalim at intelligent ang movie, pero huwag nating ia-under-estimate ang masa. Kasi, pati sila ay makukuha nila ang konsepto nito e.”

Nilinaw din ni Direk Vince na hindi lang mga LGBT ang makakasakay at mag-e-enjoy sa pelikula nilang ito dahil hindi naman daw ito ang kabuuang tema ng pelikula nila.

Natanong din namin si Direk Vince kung bakit sa gitna ng dalawa nilang play, ang Bonifacio at Pedro Calungsod, The Musical, ay ibinalik niya ang pagsasadula ng Ang Bangkay na pinagbibidahan din niya?

“I always stage Bangkay kapag nag-a-anniversary ang pagkapanalo ko sa Palanca para sa dula na iyon. Every year, limited one day staging lang. Dapat ay noong September pa ito, kaya lang ay na-postpone dahil showing ng Otso, kaya ngayong February lang ito ipinalabas.

“Bale, third year anniversary na nang pagkakapanalo ko sa Palanca, kaya third year nang ini-stage itong Ang Bangkay.”

Pagpatok sa takilya ng Toni-Piolo movie, mabuti para sa industriya

GOOD news para sa showbiz industry ang napakalakas na ipinapakita ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Lagpas P200 milyon na ang kinita nito sa loob lamang ng limang araw. Kaya sa ngayon, baka higit P250 milyon na ang kinikita nito.

Naka-break na ito ng ilang records sa takilya at maaari rin daw na ma-break nito ang kasalukuyang mga records ng mga pelikulang nasa Top 3 o higit pa.

Halos nagkasunod-sunod na big hits din ang nangyari sa ibang pelikulang local. Mula sa My Little Bossings nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Kris Aquino atBimby Yap, at Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda na tumabo nang todo sa box office noong MMFF, sinundan ito nang paghataw sa takilya ng Bride For Rent nina Kim Chiu at Xian Lim, magandang development ito para sa showbiz industry.

Sana ay magtuloy-tuloy ito at sana rin, maging inspirasyon ng mga producers, directors, at pati na ng mga artista (na kadalasan naman ay may say sa kanilang mga projects), ang mga tagumpay na ito sa takilya, para mas pagandahin pa nila ang mga pelikulang ino-offer nila sa masa.

About hataw tabloid

Check Also

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher …

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *