Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Starting Over Again, naka-P100-M na sa loob lamang ng 3 araw!

ni Maricris Valdez Nicasio

PINAG-UUSAPAN sa kuwentuhan ng press ang nakatutuwang tagumpay ng pelikulangStarting Over Again na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Balita kasing naka-P100-M na ito noong Sabado pa lang, tatlong araw matapos itong mag-premiere noong Martes.

Nagtatanungan ang press kung sino raw ba ang dapat mas bigyan ng credit kina Piolo at Toni sa tagumpay ng pelikulang ito ng Star Cinema?

Ang sagot namin, kapwa sila dapat bigyan ng credit dahil pareho nilang ginawa ang lahat para mapaganda ang Starting Over Again. Talaga namang kakaibang Toni ang mapapanood dito gayundin si Piolo na talagang hindi pa rin nawawala ang galing sa pag-arte. At siyempre dapat ding papurihan ang mga bumuo ng istorya nito gayundin ang napakagaling na director na si Inang Olive Lamasan.

Kaya hindi nakapagtataka na ganoon na lamang ang kasiyahan ng Star Cinema sa tagumpay na tinatamas ng Starting Over Again. Tuwang-tuwa si Mico Del Rosario, Star Cinema’s advertising and promotions manager, nang i-announce nito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang tagumpay ng pelikula. Aniya, ”MARAMING MARAMING SALAMAT SA SUPORTA! #startingoveragain P100 Million in JUST 3 DAYS!!”

Nagpasalamat din si Toni at sinabing, ”Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. This movie was worth 13 years of waiting. God’s perfect time is always the best. Thank you everyone for being brave enough to appreciate what our film has to offer. You made our first movie ni Piolo my most unforgettable film ever.”

Kaya naman sinasabing tinalo na si Vice Ganda bilang may hawak ng highest grossing Pinoy Film record dahil papalitan na siya nina Piolo at Toni.

Ang isa pa sa nakatutuwa ay muling nagnining ang mga bituin ni Piolo sa pelikulang ito. Aniya, ”Thank you very much for believing and extending your support to Star Cinema and everyone who’s part of this project. We’re all humbled by your love. And as we celebrate Valentine’s, may we continue to spread love and harbor good feelings towards everyone,”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …