ni Roldan Castro
SENTRO ng usapan ng mga press na nasa service van papunta sa musical event sa Bistekville sa Payatas bilang Valentine’s date with mayor Herbert Bautista ang malaking advertisement na nakita sa Commonwealth, ang ”Olivia, Will You Marry Me?”. Makikita rin ito sa Edsa noong Valentine’s Day.
Sabi ng isang reporter, baka si Isabel Oli ‘yun dahil Olivia ang tunay niyang pangalan. Naikonek din dahil may business ang pamilya ni John Prats sa adverstising at mga billboard. Nakalagay din sa baba ang 21414 na mismong kaarawan ni John.
Kung hindi kagagawan ni John ‘yun, baka product ‘yun.
Effective ang naturang billboard dahil nakatakaw talaga ng atensiyon at maraming curious kung sino o ano si Olivia?
May posibilidad na si John ang may marriage proposal kay Isabel dahil pag naiinterbyu namin ang actor sa taping ng Banana Split ay sinasabi niyang sana ay si Isabel na ang ihaharap niya sa altar.
Pero itinaggi ni Isabel na siya ang Olivia na nasa billboard. Kahit si John ay na-pressure sa billboard issue na ito.
Pero sa isang panayam sinabi ng actor na nahanap na niya ang taong susuporta sa kanya. Nandiyan sa likod niya, na kaya niyang isakripisyo ang career niya at personal niyang interest para alagaan siya.
Talbog!
Libreng Valentine’s show, dinala sa Bistekville
GRABE ang traffic papunta at paalis sa Payatas noong Valentine’s Day pero nagsilbing makabuluhan ang pagdiriwang namin ng Araw ng mga Puso dahil dumalo kami sa paanyaya ng kaibigang Jobert Sucaldito na charity show at sinuportahan ni MayorHerbert Bautista sa Bistekville.
Sey ni Jobert: ”Tinanong nila ako kung puwede ko raw ba matulungan ang mga lolo’t lola natin na nakatira sa Bistekville sa bandang Payatas, Commonwealth, Q.C. on Valentine’s Day. Gusto raw nilang pasayahin ang mga ito. Sila kasi ‘yung ini-relocate ni Mayor Herbert Bautista from the squatters and in fairness sa kanila, medyo maayos-ayos na ang buhay nila ngayon kahit paano. Sabi ko, since wala namang pera ang mga lolo’t lola natin at gustuhin man nilang manood ng mga Valentine show sa araw na ito, malabong mangyari kasi nga wala silang resources.
“I suggested an idea, sabi ko, why not put up a Valentine event doon mismo sa park ng Bistekville na ito para mapasaya naman natin sina lolo at lola, ‘di ba? Instead of them going out, let’s go to them. They liked my suggestion and asked me kung mayroon pa ba tayong makukuhang mga artist to perform that day—wala naman kasi kaming malaking budget and normally, ang mga performer ay booked na sa mga Valentine show. And finally, nakabuo kami ng line-up—we actually got prime artists pa ‘ika mo like Dulce, Jimmy Bondoc, Michael Pangilinan, Inang Willy Jones and the comic duo Le Chazz and AJ Tamiza. And hindi kami siningil ng malaki ng mga ito dahil charity event ito for our lolos and lolas, honoraria lang. And I spoke to Mayor Herbert Bautista, nilambing ko siyang dumaan man lamang sa pa-show namin doon sa Bistekville kahit sandali lang and in fairness to him, hindi siya nagdalawang-isip. He agreed to join.”
Panalo!
Nash, maghihintay ng tamang edad para pormal na ligawan si Alexa
NOONG nasa Goin’ Bulilit pa ay tinutukso na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad na parang crush nila ang isa’t isa. Ngayong magkatambal sila sa youth oriented show ng ABS-CBN 2 na Luv Utuwing Sunday afternoon ay palagi silang tinatanong kung nahulog na ba ang loob nila sa isa’t isa. Na-develop na ba sila?
“Before naman po kasi ng ‘Luv U’ talagang close na po kami ni Alexa, patuloy lang po ‘yung pagkakaibigan namin,” sey ni Nash.
“Para sa akin, ayaw ko po kasing magalit siyempre ang mga magulang namin. Gusto ko ‘yung pag-ibig na talagang pormal. Alam ng lahat, ‘di ba? Mahirap ‘yung nagtatago,” dagdag pa niya.
Kinse-anyos na ngayon si Nash samantalang turning 14 si Alexa sa February 26.
Tsuk!