Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong, ‘di invited sa kasalang Karylle at Yael

ni Roland Lerum

IKAKASAL na next month sina Karylle Tatlonghari at Yael Yuzon ng Spongecola. Tatlong taon na silang magnobyo kaya minabuti na nilang lumagay sa tahimik. Hindi naman buntis si Karylle kaya siya magpapakasal. Or else hindi naman siya makikitang nagsasayaw lagi sa It’s Showtime kung buntis nga siya.

Ewan kung kukumbidahin ni Karylle sa kanyang kasal si Dingdong Dantes na rati niyang boyfriend. Malamang na hindi dahil sinabi na noon ni Dingdong na hindi invited ni Karylle sa kasal niya kay Marian Rivera.

Vhong, hiyang-hiya raw sa kanyang GF

NGAYONG araw (February 14) ang first preliminary hearing ng kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee pero inunahan na nito ang pagpunta sa DOJ para isumite ang kanyang sinumpaang affidavit.

Consistent pa rin si Vhong sa mga unang ipinahayag niya at tuloy ang kanyang laban kahit ano pa ang mangyari. ”Ginagawa ko ito para sa kapakanan ng pamilya ko at girlfriend ko pero ayoko lang munang makita sina Deniece at Cedric dahil naalala ko lang ang sinapit ko,” sabi niya.

Sa interview sa kanya ni Ted Failon sa programa nito, may blackeye pa si Vhong at may galos pa sa leeg. Diretsahan siyang tinanong ni Ted kung kanya ba ‘yung ari na ipinakikita sa internet? Hindi raw. Personal na tanong: Pinitpit ba ang ari mo? Pinaso ba nila ito? Sagot ni Vhong, ”Hindi!”

Ang aral na nakuha ni Vhong sa karanasan niya?  ”Hindi tayo dapat magtiwala sa taong hindi natin lubusang nakikilala. Maging faithful tayo sa ating girlfriend.”

Hiyang-hiya nga siya sa girlfriend niyang si Tanya Winona Bautista na hindi siya iniwan sa ospital kahit nakipag-sex pa siya kay Deniece pero isinumpa naman niyang walang sexual intercourse na naganap at, ”Hindi ko siya ni-rape!”

Pero pinipilit pa ni Deniece na ni-rape siya ni Vhong at hidi komo’t walang sexual intercourse na naganap, walang rape na nangyari.

Kampante si Vhong sa kanyang ipinahayag ay ‘yung CCTV ang  pruweba na wala talagang naganap na sex sa kanila ni Deniece. Pero hanggang ngayon, pinipilit ni Deniece na kulang ang kuha ng CCTV at posible raw na “dinoktor” ito.

Tiyak na magpapatalbugan sa korte sina Atty. Alma Mallonga (para kay Vhong) atAtty Howard Calleja (para kina Deniece at Cedric) kapag nagsimula na ang hearing na ito. Naantipatikuhan lang kami sa abogado nina Deniece at Cedric na nagsabing guilty daw si Vhong dahil ayaw harapin sa Feb. 14 ang mga kinakalaban niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …