Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love scene at kissing scene nina Toni at Piolo, nakalusot kay Mommy Pinty (Daddy ni Toni, naiyak sa galit…)

ni Reggee Bonoan

TINAWAGAN namin ang ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty para hingan ng komento sa lovescene at kissing scene ng anak kay Piolo Pascual sa Starting Over Again.

Nasanay kami na hanggang halik sa pisngi at smack lang ang puwedeng gawin ni Toni sa mga nagdaang pelikula niya dahil ayaw daw ng magulang niya.

Tanda nga namin noong mag-swim suit siya sa pelikulang This Guy’s In Love With You Mare kasama sina Vice Ganda at Luis Manzano ay katakot-takot daw na talak ang inabot ng TV host/actress sa ina dahil hindi raw nagpaalam.

Eh, ‘di ba nga, nakabantay parati si Mommy Pinty o kaya ang assistant niya sa shooting ng anak para siguradong wholesome ang mga eksena?

Kaya nagulat kami sa nakakalokang love scene at kissing scene ni Toni lalo na noong love making nila ni Piolo na ipinakitang nanigas pa ang paa at mga daliri ng aktres.

At iisa ang tanong ng lahat, ‘alam ba ito ni Mommy Pinty? Nagpaalam ba si Toni, naku lagot.’

Kaya tinawagan namin si Mommy Pinty para hingan ng reaksiyon sa love scenes ng anak kay Piolo.

“Sabi kasi sa amin ni Toni, may love scene, eh, alam mo naman si Inang (Olive Lamasan)kapag gumawa ng love scene, love scene talagang todo, pero hindi namin inakalang ganoon pala.

“Siyempre alangan namang nakadamit si Toni kapag ano (love scene), so okay naman, atnatatawa ako noong nanigas ‘yung paa at daliri niya, tawa ako ng tawa, sabi ni daddy, ‘bakit ka pa natatawa?’ kasi hindi niya (daddy) gusto talaga, galit siya.

“Pagkatapos nga ng palabas, naglapitan sina Ms Linggit (Tan) at nag-congratulate, sabi konga, naiyak ako kasi nakakaiyak naman sa huli, sabi naman ni daddy, ‘ako rin po, Ms Linggit, naiyak ako, naiyak ako sa galit.

“Natutuwa ako kasi at least mature role na ang ginagawa ni Toni, natuwa ako kasi napaiyak at napatawa niya ang tao, so okay na, at maganda ‘yung movie.

“Nagpapasalamat nga ako kasi malakas daw ‘yung movie, sa Glorietta, sold-out na at ‘yung iba pa, salamat sa lahat ng nanood talaga,” kuwento sa amin ni Mommy Pinty.

At dahil tumodo nang husto si Toni sa Starting Over Again ay tinanong namin kung ikakasal na ba sina Toni at Direk Paul Soriano ngayong 2014?

“Eh, sabi ko nga, mag-asawa na siya, ayaw pa raw niya, bakit daw namin siya minamadali, two years from now pa raw, gusto pa

niyang mag-enjoy.

“Eh, ‘di sige, siya naman ‘yun, baka kasi inisip niya kapag nag-asawa na siya at nagbuntis, siyempre, mawawala siya so, siguro iyon ang iniisip niya,” say sa amin ng ina ng aktres.

At heto na guwapong-guwapo si Mommy Pinty kay Piolo na talagang sobrang hanga niya sa aktor. Kaya balik-tanong namin ay kung type niya si PJ kaysa kay direk Paul?

“Ha, ha, ha, ikaw talaga,” tumatawang sagot sa amin.

Sabi pa namin na nauna pang humalik si Piolo kaysa kay direk Paul, ”ha, ha, ha, ganoon ba? Hindi ko alam.” Natawa uling sabi sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …