Friday , January 10 2025

Sentro ng sining sa mga lalawigan inilunsad ng CCP

SA layuning higit pang patatagin ang ugnayan at pagkakaisa sa mga lokal na organisasyon sa iba’t ibang rehiyon, inilunsad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) sa pamamagitan ng kanilang Cultural Exchange Department, ang sampung (10) pinakaunang lugar para sa Kaisa sa Sining: ang CCP Regional Art Centers at University Art Associates sa paglagda ng tatlong-taong Memorandum of Understanding nitong Enero 24, 2014, sa CCP.

Sa buong bansa, nariyan na ang maraming institusyong pang-edukasyon at lokal na orga-nisasyon na meron nang estruktura, programa at pasilidad, na magsisilbing matibay na suporta para masustina ang mga pangkulturang kaganapan at mga aktibidad kaugnay nito.

Dahil dito, nais ng CCP na higit pang pasiglahin ang isang dinamikong pagtutulungan ng mga prominenteng institusyong pang-edukasyon, NGOs at lokal na pamahalaan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang espisipikong layunin ng Kaisa sa Sining ay upang higit pang palawakin ang partisipas-yon ng malawak na publiko sa larangan ng si-ning, pagpapatampok at pagpapakita ng mataas na  aspeto ng artistikong kasanayan at pangu-nahan ang isang dinamikong pagsasanib sa pagitan ng CCP at ng mga sentro sa sining sa rehi-yon at mga unibersidad.

Ang pangunahing saklaw sa nasabing pagtutulungan ay sakop ang pagsasanay at apprenticeship, paglalakbay at paglilipat ng produksyon, pagbabahaginan ng kulturang makabuluhan na paghahalawan ng mga materyales, access sa sining at impormasyong pangkultura, mga lugar na pagtatanghalan  at pasilidad, at paki-kilahok sa mga pangunahing pangkulturang kaganapan.

Ang sampung  unang lugar at organisasyon na natukoy ay kinabibilangan ng mga sumusu-nod: LUZON (St. Louis University, Baguio; Pama-halaang Lungsod ng Batangas; Barasoain Kalinangan Foundation, Inc., Bulacan); VISAYAS (Negros Cultural Foundation, Bacolod; Central Philippine University, Iloilo; Siliman University, Dumaguete); MINDANAO (Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Iligan; Musikahan sa Tagum Foundation, Inc., Tagum City; Arts and Sciences Educator’s Association-Culture and the Arts Region X (ASEACA).

Para sa dagdag-katanungan hinggil sa Kaisa sa Sining, tumawag lamang sa CCP Cultural Exchange Department sa telepono bilang 832-1125 locals 1708-1709.

***

“Ang dahon ng puno, pawang nangalaglag/Wala nang anino, walang iniladlad/Ngunit may naiwang lantay na liwanag/Doon magbabanlaw, sa biyayang sinag.//Naiwang liwanag, nagmula sa iyo/Hindi ka yumao, may natira rito/Mga matatamis na alaala mo/Na tuwi-tuwina ay babalikan ko.///(Text-tula ni Frank G. Rivera)

Tatlong raw na ang nakararaan (Pebrero 4), alumpihit ako sa aking higaan. Ewan ba’t di ako dalawin ng antok. Oo, napapaidlip ako pero maya-maya ang dilat ng mata ko.

Kinabukasan, pagkabukas ko sa inbox ng aking mobile phone, natunghayan ko ang mensaheng galing sa numerong wala sa aking phonebook: “gd pm po kilala m nga pala c dindo or reden pumanaw na cya. Ng feb 2 atake s puso, s floresco nakaburol, sa malabon, sa hwebes ang libing nya. Benjie po ito.=GUD DAY COMRADE, PKI INFORM MGA KASAMA.

Yun marahil ang sumagot sa aking pagkaaligaga nu’ng nakalipas na gabi. Hindi ko maalala kung ano ang aking pakiramdam matapos kong basahin ang mensahe.

Alaala ko, 1976, nu’ng una kong makadaupangpalad si Ka Dindo sa Labor Desk ng Our Lady of Lourdes, Bagong Barrio, Kaloocan. Kaharap namin noon sina Olive Marcelino, Miles Gravidez, Flor, at isang binibini na di ko naalala ang pangalan.

Siya noon ang coordinator ng Kapatirang Anakpawis, at binuo niya ang Teatro Obrero na nagluwal ng Tanghalang Silangan ng Rubberworld-Adidas.

Doon nagsimula ang aming pagkikilala nang noo’y nakilala ko lang sa pangalang Ka Dino—sa unang tingin, parang napaka-estrikto niya. Pero, habang tumatagal na ang inyong pagiging magkakilala, madali siyang makagaanang loob, malakas ang persuasion sa kapwa kapag merong pinagtatalunang ideya o prinsipyo lalo’t pagdating sa politika, organisasyon at ideolohiya.

Isang araw, bigla kong namulatawan ang kanyang mga “political cartoons” sa pangulong tudling ng Pahayagang Malaya noon ni Joe Burgos.

Hanggang, nabalitaan kong nangibang-bansa si Ka Dindo. Nang siya’y magbalik, pumakat siya sa isang grupo ng mga kartonista na ewan kung ano ang kinahinatnan.

Hanggang naging consultant siya ng mga politiko ng isang doktor sa Valenzuela. Nang siya’y napunta sa grupo ni Mayor Benedict C. Calderon, ng Roxas, Isabela, 2010, doon na siya namalagi.

Nagtatag siya ng lokal na pahayagan sa Roxas na ang adbokasiya ay ang tunay na pag-lilingkod sa mamamayan na tunay na saligan ng lakas ng sinomang politiko.

Kasama kami nina Ike Peñafiel, si Nanay Azun Calderon, tinugpa namin ang Cabanatuan, para makipag-ugnayan kay Boy Panganiban, isang financial analyst, para sana sa pagtatayo ng malawak at matatag ng kooperatiba.

Ang huli naming pagkikita ni Ka Dindo ay nitong 2011, nang iabot niya sa akin ang isang libro tungkol sa alzheimer para sa aming Tatay Marcelino (RIP).

Kahapon, Pebrero 6, na-cremate ang labi ni Ka Dindo o Ka Reden, ng D-3 aka ISAGANI SALAMAT MASALLO (Marso 29, 1956-Pebrero 2, 2014).

Inulila ni Ka Dindo ang kanyang pinakamamahal na asawang si Elizabeth S. Masallo, mga anak na sina: Jude Rouge at Risa, Radi Gael at Kristel, Phoebe Dawn, at apong si Cian Vittoria Gael Masallo, ang prinsesa ni Ka Dindo.

“Kamataya’y hindi  ang naglahong ilaw/Hindi ang liwanag nitong nasasaklaw/Kundi ang pagpatay sa lamparang tanglaw/Dahil dumating na ang Madaling-Araw.?//(Tula ng Bangladeshing si Rabindranath Tagore)

Ka Dindo, hindi ka namin malilimutan…lalo na yung mga taong iyong pinukaw…isa na ako roon.

C’est la vie!

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *